Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Diego, AJ ‘nag-all the way’ sa bagong pelikula ng Viva; Direk Yam Laranas napa-wow

DIRETSAHANG ipinagmalaki ng direktor na si Yam Laranas na ang latest movie niyang “Death Of A Girlfriend” ang pinaka-favorite film na nagawa niya.

Ito’y pinagbibidahan ng super fresh na tambalan nina Diego Loyzaga at AJ Raval (anak ng dating action star na si Jeric Raval), mula sa Viva Films.

“So far, this is one of my best. Bago pa kami nag-umpisa, maganda kasi yung process na ginawa namin,” ang pahayag ni Direk Yam sa ginanap na virtual mediacon ng pelikula kamakailan.

“Iba ito. Sinabi ko nga sa management and even to my friends, na so far, this is my favorite film na nagawa ko,” sabi pa ng award-winning director.

At dahil nga sex-drama-mystery ang tema ng movie, kinailangan ng direktor na isailalim sa intimacy at sensuality workshop sina Diego at AJ bilang paghahanda sa kanilang love scenes.

“First of all, I have to come in honest kina Diego at AJ. I have to protect AJ, obviously, because she’s a newcomer. And Diego also, I have to protect him whether lalaki siya or baguhan siya o hindi.

“That’s why pina-train ko sila sa what we call yung intimacy coordinator. Ginagawa sa Hollywood ‘yan, e. Ginagawa ‘yan sa Los Angeles, which I hired here na isang friend ko who’s an acting director of PETA na pina-train ko sila like doing an intimacy workshop,” paliwanag ni Direk Yam.

Dagdag pa niya, “Sensuality workshop, at the same time, nandoon yung part of the scene nang konti, how to take care of each other, parang ganoon.”

“Sabi ko sa kanila, ‘I trust my actors na kayo ang nandiyan. And then Diego, usap tayo, this is what you do and take care of AJ.’ And AJ, ‘Si Diego, trust him.’

“And they went literally without malice, without being bastos about it, they went all the way because that’s what the story needed. And ako, as a director, wow!

“Everyone who saw it, I’m happy that they noticed how the actors did their job so well,” lahad pa ng direktor.

Ang kuwento ng “Death Of A Girlfriend” ay hango sa tunay na pangyayari sa France, “Hindi alam ng lahat, it’s actually would be a surprise to everyone to know that this is based on a true story that happened in France that I was so inspired with.

“Yung beauty ni AJ and her innocence was also inspired by a Bergman film, which is The Virgin Spring (noong 1960),” sabi pa ni Yam.

Samantala, ang nasabing Vivamax Original movie ay isa ngang mystery love story na hahanapin ang katotohanan base sa kwento ng tatlong taong nasasangkot sa isang brutal na krimen.

Nang hindi nakita ni Alonzo (Diego) ang kanyang girlfriend na si Christine (AJ) papasok sa kanyang eskwela, nag-alala ito at naramdaman na may maling nangyari. May makikita siyang dalawang kahina-hinalang lalake na lalabas galing sa kakahuyan na madalas din daanan ni Christine.

Ang dalawang kahina-hinalang tao – isang forest ranger at isang drug dealer farmer, ay magiging prime suspects sa rape at murder ni Christine.

Ilalahad nila ang kanilang mga kwento hanggang sa araw na nadiskubre ang katawan ni Christine sa kakahuyan.

Iimbestigahan din ng mga pulis si Alonzo tungkol sa kanilang relasyon ni Christine. Ilalahad ni Alonzo ang kanilang love story, at kung paano madalas nagiging sagabal ang dalawang suspek sa kanila.

Isa sa kanila ang nagsisinungaling, isa ay tinatago ang katotohanan, at isa naman ay gumagawa lang ng istorya. At isang tao lang ang tanging makakapagsabi ng totoo tungkol sa nangyari noong araw na yun sa kakahuyan, at iyon ay walang iba kundi si Christine.

Sa pamamagitan ng forensic investigations, ilalahad ni Christine ang totoong nangyari sa kanyang pagkamatay.

Panoorin ang thrilling na love trip ng “Death Of A Girlfriend” sa April 30, sa worldwide premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV sa halagang P250 at sa Vivamax.

The post Diego, AJ ‘nag-all the way’ sa bagong pelikula ng Viva; Direk Yam Laranas napa-wow appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments