Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Alex umaming nagparetoke ng labi: Gusto ko talaga yung patusok

NAPAAMIN ng celebrity cosmetic surgeon na si Vicki Belo si Alex Gonzaga tungkol sa kanyang pagpaparetoke.

Hindi na nakaiwas ang TV host-actress at vlogger sa usapin ng beauty enhancement nang makipagchikahan siya kay Vicki sa latest video ng doktora sa YouTube.

Ayon sa misis ni Hayden Kho, sumailalim sa “minimally-invasive procedure” si Alex — ito ay ang lip thread lifting procedure.

“This is why this vlog is going to be (getting) millions (of views). Kasi aamin na si Cathy, si Alex kung ano’ng ginagawa niya sa Belo. Aminin mo na,” sabi ni Vicki sa misis ng batambatang politiko na si Mikee Morada.

Hirit naman ni Alex: “Nagpa-dede (breast enhancement) ako. Charing! Ha-hahaha! Okay fine. Nagpa-thread lift ako sa lips. Don’t judge me.”

“Show your beautiful, natural nose. Oh, ‘di ba? Show your kissable, sexy lips,” sabi naman ni Vicki kay Alex.

Ngunit nilinaw ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga, “minimal amount of dissolvable threads” lamang ang ginawa sa labi niya dahil na rin sa advice ni Vicki.

“But very slight lang kasi ayaw ni doktora. Pero gusto ko talaga ‘yung parang patusok,” ani Alex.

“Gusto kasi niya ‘yung parang kay Kendall Jenner,” sey naman ng celebrity beauty expert.

Hirit uli ni Alex, “Very sweet lang.” Inulit pa niya na huwag siyang husgahan sa kanyang “pagpaparetoke” pati na rin ang iba pang sumailalim sa cosmetic procedure.

The post Alex umaming nagparetoke ng labi: Gusto ko talaga yung patusok appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments