MALALIM ang ibinanderang hugot ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban para sa pamahalaan hinggil sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Kasabay nito, nanawagan din ang aktres sa mga kinauukulan na mas palawigin pa ang pagbibigay ng free mass testing sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Angelica, siguradong hindi na kakayanin ng karamihan sa mga Pinoy na gumastos pa sa pagpapa-swab test lalo na yung mga hindi na naman makalabas para maghanap-buhay dahil sa muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).
Sa kanyang Twitter account, nag-post ang Kapamilya star ng kanyang saloobin hinggil sa nakakabagabag na kalagayan ng mga Filipino sa gitna ng pandemya.
“Hinang hina ka na… maglalabas ka pa sa bulsa mo ng pera, para ma swab. At malalaman mo, pasitib ka sa covid mami!”
“Pano na pa ospital? Gamot? Mental care?! Yung vaccine ba aasahan pa namin sa inyo? D naman diba? KKB! Nakakaiyak. Ito ang emotional. #freemasstesting,” pahayag pa ng aktres.
Maraming netizens sumang-ayon sa mga sinabi ni Angelica na nagpasalamat pa sa kanya dahil sa tapang niyang magsalita para sa mga naghihirap na mga kababayan natin.
Pero may ilan ding nambasag sa kanya tulad ng isang basher na nagkomento ng, “Hey, laos. Shut up na! Di mo na mababangon ang career mo kahit mag iinGy ka pa jan. If you want tumulong k. Puro ka reklamo!”
Pero hindi ito pinalagpas ng tinaguriang ng Hugot Queen at talagang niresbakan ang hater. Aniya, “Hello Sarah (basher). Style mo baguhin mo. Paulit ulit kayo. Baka next question dito ano ambag ko?
“Baka di ka bayaran sa performance mo. Bakit d mo tweet gobyerno na tumulong para matuwa bansa sayo. Ikaw na lang yata naniniwala sa nagbabayad sayo,” pang-aasar pa ni Angelica sa netizen.
Nauna rito, nagpahayag din ng pagkabahala si Angelica sa nakaaalarmang pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilipinas araw-araw.
“15k?! To think ang mga nagpapa-check lang ay mga may symptoms at may kaya mag pa swab test.. eh pano ang wala? Hay nakakaloka! Nakakaloka p**ah!” hugot pa ng dalaga sa kanyang tweet.
Nitong nagdaang Biyernes Santo, April 2, nakapagtala ang Department of Health ng 15,030 daily cases ng COVID-19 infection.
The post COVID hugot ni Angelica: Nakakaiyak…ito ang emotional! #FreeMassTesting! appeared first on Bandera.
0 Comments