Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa awtoridad sa Taiwan para malaman kung may Pilipinong nadamay sa train accident sa Hualien, Taiwan nitong Biyernes ng umaga.
Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang Department of Foreign Affairs kaugnay sa sinasabing “worst train accident” sa Taiwan sa nakalipas na mga taon.
Base sa mga pinakahuling ulat, nasa 51 na ang naitatalang namatay sa trahedya at karamihan sa kanila ay itinuring na dead on the spot, at may 156 pa ang nasugatan sa kabuuang 490 pasahero sa walong bagon.
Palabas ang tren, na patungo sa Taitung, sa isang tunnel sa Toroko Gorge nang sumalpok ito sa isang truck, na nahulog naman mula sa itaas na kalsada.
Sinasabi na kabilang sa agad na nasawi ay ang train engineer.
Sa pahayag ni Taiwan President Tsai Ing-Wen, sinabi nito na ginagawa nila ang lahat para tiyakin na nailigtas na ang iba pang sakay ng tren.
The post 51 patay sa ‘worst train tragedy’ sa Taiwan; MECO inaalam kung may nadamay na Pinoy appeared first on Bandera.
0 Comments