Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

‘Vaccine optimism’ nag-ambag sa ‘case surge’ sa bansa–WHO

Sinabi ni World Health Organisation (WHO) country representative Rabindra Abeyasinghe na posibleng nabawasan ang pagsunod sa health protocols ng mga Pilipino dahil sa pagdating ng mga bakuna sa bansa.

Ito aniya ay maaring isa sa mga dahilan nang pagdami ng husto ng mga nagkakasakit ng Covid-19 sa mga nakalipas na araw.

Paliwanag ni Abeyasinghe ang tawag nila sa phenomenon na ito ay “vaccine optimism” na nangyayari din umano sa ibang bansa na nagsagawa na rin ng vaccine rollout.

“It’s the fact the arrival of the vaccines and the optimism that the vaccine brought have resulted in decreased compliance with the public health measures,” sabi pa ni Abeyasinghe.

Dagdag na paliwanag pa niya dahil sa pag-asa na ibinigay ng bakuna, nag-iwan ito ng pagkakataon para kumalat ang coronavirus.

Gayundin, ang pagdating sa bansa ng virus variants, na sinasabing mas mabilis makahawa, ang isa pang dahilan ng pagdami muli ng Covid-19 cases sa bansa.

Kahapon, iniulat ng DOH na karagdahang 7,103 Covid-19 cases ang naitala sa bansa, ang pinakamataas na naitalang kaso sa loob ng isang araw sa bansa.

The post ‘Vaccine optimism’ nag-ambag sa ‘case surge’ sa bansa–WHO appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments