NABIKTIMA ng Budol-Budol ang OPM singer at aktor na si Ronnie Liang matapos malimas ang laman ng kanyang Gcash account.
Nadiskubre na lamang daw ng binata na libu-libong piso ang nawala sa kanyang account at P8 na lamang ang natira.
Ibinalita ni Ronnie ang pang-i-scam sa kanya sa pamamagitan ng Facebook kasabay ng pagbibigay babala sa madlang pipol na laging maging maingat at huwag basta-basta maniniwala sa mga natatanggap na text at tawag.
Kuwento ng singer, may nag-DM (direct message) sa kanya sa Twitter na nagpakilalang Gcash representative. Tinanong daw nito ang kanyang PIN (personal identification number), tunay na pangalan, kaarawan at e-mail address.
Narito ang bahagi ng FB post ni Ronnie, “BEWARE: Sharing with you the conversation I had with someone who pretended to be a Gcash agent.
“The scammer was able to hack my Gcash & took away thousands from my Gcash account. (nagtira pa ng 8.97 pesos).
“Sharing this to raise awareness of how these online scams are so rampant and how vulnerable the system is.
“Please share this post to spread information and to serve as warning to all the gcash users. #scam #modusoperandi,” warning pa ng binata sa lahat.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nabudol si Ronnie dahil nito lamang March 23, nabiktima rin siya ng sindikato na sangkot sa pagnanakaw gamit ang credit card ng ibang tao.
Sey ni Ronnie sa nauna niyang post, “BEWARE: I’ve just received a text message from my bank na may gumamit daw ng credit card ko sa South Korea to purchase from an iphone store doon.
“This is scary & nakakabahala since I am here in the PH. #modus #scam.”
The post Ronnie Liang 2 beses nabiktima ng Budol-Budol; libu-libong piso natangay appeared first on Bandera.
0 Comments