Ipinag-utos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pansamantalang pagsasara ng ilang negoyso kasunod ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
“The following temporary measures are hereby immediately implemented in areas under General Community Quarantine until 04 April 2021,” saad sa DTI advisory No. 21-03, Series of 2021.
Sakop sa suspensyon ng operasyon ang driving schools; entertainment, amusement and recreation industries tulad ng sinehan at game arcades; libraries, archives, musuems at cultural centers; limitadong social events sa mga DOT-accredited establishment; limitaong tourist attractions maliban sa mga open-air tourist attractions.
Ipatutupad din ang 30 porsyentong maximum venue capacity sa essential business gatherings.
Nasa 50 porsyento naman ang operational capacity sa mga dine-in restaurants at cafes at personal care services.
Nananatiling suspendido ang operasyon ng sabong.
“Those allowed to operate in areas placed under Modified General Community Quarantine (MGCQ) pursuant to IATF Resolution No. 79, Series of 2020, are suspended until 04 April 2021,” dagdag nito.
Ipinaalala ng kagawaran na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng minimum public health and safety standards.
Hinikayat din ang publiko na umiwas muna sa matataong lugar at iwasan ang paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.
Paalala pa sa mga business establishment, tiyaking maayos ang ventilation systems ng kanilang indoor operations.
The post Mga sinehan, arcades at iba pang negosyo, muling pinasarhan sa GCQ areas appeared first on Bandera.
0 Comments