Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Manilyn maraming mami-miss sa nalalapit na ending ng The Lost Recipe; theater actor sinuwerte

TALAGA nga namang kakaibang time travel ang na-experience ng mga nakatutok gabi-gabi sa GMA Public Affairs romance-fantasy series na “The Lost Recipe.”

Sa hit series na ito ng GTV, nakilala ng Kapuso viewers si Conchita Valencia na ginagampanan ni Manilyn Reynes, isang mapagmahal na ina na gagawin ang lahat para sa kanyang anak na si Consuelo (Mikee Quintos).

Napamahal na nga raw kay Manilyn ang kanyang karakter sa serye, “Ang pinakamami-miss ko po talaga ay ang aking makalumang kasuotan.

“Ang aking pamamaraan at pananalitang malalalim, at mga payong nawa’y naisapuso hindi lamang ng mga tauhang gumanap, kung hindi pati na rin ng ating mga minamahal na manonood.

“Maraming salamat po sa pagkakataong ako’y naging si Conchita Valencia,” pahayag ni Manilyn.

Lubos din ang pasasalamat ng Kapuso actress na siya ang napiling gumanap sa role na ito.

Ngayon ngang malapit na ang finale ng pinagbibidahang serye nina Mikee at Kelvin Miranda, tiyak na pati ang cast ay mami-miss ang bonding na nabuo nila sa set.

Kaya tumutok lang sa “The Lost Recipe” every weekdays, 8:50 p.m., sa GTV at Heart of Asia channel.

* * *

Speaking of “The Lost Recipe”,  naipamalas din sa serye ni Kapuso actor Topper Fabregas ang kanyang singing talent at super proud siyang napasama ang boses niya sa soundtrack nito na maganda ang natatanggap na feedback mula sa publiko.

“When they asked me if I wanted to sing one of the love themes of TLR, akala ko at first nagbibiro yung mga producers. Ha-hahaha!

“I don’t really get the chance to sing a lot and I was just flattered to be thought of. Ang cute rin ng concept na yung cast kasama din sa OST,” kuwento ni Topper na unang nakilala bilang isang theater actor.

Ginagampanan ni Topper ang character na Alfredo Legazpi sa romance-fantasy series nina Mikee at Kelvin. First acting break niya kung maituturing ang pagiging bahagi niya ng “The Lost Recipe” mula nang maging Kapuso siya.

Ayon pa kay Topper, nagandahan na agad siya sa “No Matter What it Takes” nang una pa lang niya itong narinig. Kasama niya sa pag-awit ng nasabing kanta si Kapuso OST Princess Hannah Precillas.

“I really liked the song the first time I heard it and na-LSS ako to the max so I knew mag-co-connect siya with people. But never expected that it would be this big. I’m so proud of the song and the whole soundtrack. Ang ganda ng curation ng songs!” aniya pa.

Marami nga ang nagagandahan sa soundtrack ng “The Lost Recipe.” Ilan lang sa mga awiting kasama rito ay ang  theme song ng serye na “Tumatakbo” na hit song ng bandang Mojofly;”Pinag-Isa” ni Crystal Paras; “Aabutin” ni Jennifer Maravilla; “Tama Ba o May Tama Na” ni Paul Sala; at “Walang Makapipigil” ni Arra San Agustin.

The post Manilyn maraming mami-miss sa nalalapit na ending ng The Lost Recipe; theater actor sinuwerte appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments