SA 12.2 million subscribers ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel ay may naligaw na netizen na nagsabing ipinagbabawal ang pamamalimos at sa katunayan ay may batas tungkol dito.
Sa isang vlog ni Ivana sa YT ay nagpanggap itong namamalimos para testingin kung sino ang tutulong sa kanya at ibabalik niya ng 10 beses ang halaga ng ibinigay sa kanya.
Habang pinanonood namin ang video na ito ni Ivana ay hangang-hanga kami sa kabaitan niya at pagtulong sa mga nangangailangan na galing din mismo sa kinikita ng YouTube channel niya.
Ang “PRANK ON STRANGERS ON THE STREET! *UMIYAK AKO DI KO KINAYA” episode ni Ivana nitong Marso 14 ay nasa 13.5 million views na at sa unang araw ay naka-9 million views agad.
Anyway, ayon sa netizen ay bawal ang pamamalimos base sa Presidential Decree 1563 or the Anti-Mendicancy Law of 1978 na pinirmahan noon ni dating Presidente Ferdinand E. Marcos.
Base sa komento ng netizen sa isang news website, “Presidential Decree No. 1563. Ano ang batas na ito? Ayon sa batas na ito, mahigpit na ipinagbabawal ang PAMAMALIMOS AT MAGPALIMOS.”
Nabanggit din na maganda at busilak ang intensyon ng aktres, pero sa ginawa niya ay parang pino-promote pa niya na okay ang pamamalimos at posibleng gayahin din ito ng ibang content provider sa kanilang YT channel na baka sakaling dumami rin ang subscribers nila at views at kikita rin nang malaki tulad ng sa aktres.
“Presidential Decree No. 1563 or Anti-Mendicancy Law which prohibits begging or soliciting charitable donations by the poor and other religious organizations on the streets.
“Giving alms to beggars is also prohibited by law. Her intention is good, but it creates an impression that begging is normal. It may give hope to other beggars that another star/vlogger/influencer would do the same and wait for their luck,” ang batas sa pamamalimos.
May nagsabing umaabot sa isang milyong piso ang kinikita ni Ivana sa vlogs niya.
Ayon kay Aries Albores, “10 million views sa YouTube. Tiba2x rin si Ivana. Nasa 1 million pesos din ang kikitain niya sa ad revenue sa video na ‘yun.
“For show lang ‘yan, para kumita at mag trending sa YouTube. Dami uto utong Pinoy,” sabi naman ni Badong Reyes.
Maraming nagtanggol kay Ivana dahil bakit hindi na lang ang magagandang bagay na nagawa ng aktres ang tingnan lalo’t nakakatulong siya sa maraming naghihirap ngayon sa panahon ng pandemya.
Ang opinyon ni Iyan Mejia De Leon, “One realization here is that we have been patronizing TV shows eversince and we do not complain about show businesses doing what they are doing for ‘views’ and earning thru commercials.
“Now we have an independent blogger who thought of giving away money to the people for her content and a lot of people criticize her for ‘using’ poverty.
“Well, these same people who loves to watch noontime shows, game shows and even Tulfo. Guess what? They love to give away money to poor people and masses love it. Your selective criticism is disgusting.”
The post Ivana kikita ng P1M sa ‘Palimos vlog’ sa YouTube pero pwede raw kasuhan? appeared first on Bandera.
0 Comments