“FIGHTING!” Yan ang naging pahayag ng hindi na aktibong aktres na si Bianca Lapus na nakikipaglaban ngayon sa COVID-19.
Tinamaan na rin ng killer virus si Bianca kasabay ang pagkakaroon ng pneumonia at kasalukuyan ngayong sumasailalim sa kaukulang treatment sa The Medical City sa Pasig.
Mismong ang kapatid ng aktres na si Marnie Herrera, ang nagbalita sa kanyang kundisyon sa pamamagitan ng Facebook.
“This virus hits close to home. My parents and my sister Kyla have been in and out of the hospital since last year due to different illnesses and that has put an emotional strain to our family.
“But this is the first time that one of us is sick with this virus,” ang mababasa sa FB status ni Marnie.
Kasunod nito, humiling din ang pamilya ni Bianca sa lahat ng kanilang mga kapamilya at kaibigan na patuloy na magdasal para sa mabilis niyang paggaling, “Lord heal us all,” gamit ang mga hashtag na #COVID19, #PrayersForMyFamily, #GODisincontrol at #StayingStrong.
Samantala, sa kanyang sariling Facebook account, nagpasalamat si Bianca sa lahat ng mga nagdasal at nagpadala ng mensahe ng pagsuporta at pagmamahal.
“FIGHTING. Thank you for all the heartfelt messages, most of all for being my prayer warriors.
“But please continue to pray for my battle with COVID-19 and my pneumonia on both lungs.
“Sobrang hirap. Ang sakit… dami tests, gamot… nakaka-praning. The agony of waiting to recover and hug my children. The sacrifices of my hubby taking care of everyone.
“My siblings taking turns sending food to me and my kids at home, checking on us each day. The frontliners who work so hard taking care of us.
“Iba pala pag makita mo at ma-experience mo ng actual. I appreciate them more. I’m still not stable especially emotionally. But I am fighting,” mensahe pa ng aktres.
“MY FAITH IS BIGGER THAN MY FEARS. EVEN BIGGER THAN THIS VIRUS! WE HAVE AN AMAZING GOD FULL OF MIRACLES! HE WILL HEAL ME AND RESTORE MY BODY!” sabi pa ni Bianca.
The post Bianca Lapus tinamaan na rin ng COVID: Sobrang hirap, ang sakit…nakakapraning appeared first on Bandera.
0 Comments