PLANO ni Julia Barretto na magtrabaho nang magtrabaho sa susunod na dalawang taon para kapag 26 na siya, pwede nang matupad ang kanyang ultimate dream.
Pagkatapos ngang umamin ang young actress sa tunay na relasyon nila ni Gerald Anderson, muling ipinagdiinan ng dalaga ang kanyang pangarap na magkaroon din ng sariling pamilya.
Sa pakikipagchikahan ni Julia sa celebrity photographer na si BJ Pascual (sa pamamagitan ng kanyang vlog), natanong siya kung ano na ang mga plano niya sa buhay sa susunod na mga taon.
Sagot ng 24-year-old actress, gusto niyang sumabak sa mga mas mature at daring roles sa telebisyon at pelikula kung saan mas matsa-challenge ang kanyang talento sa pag-arte.
“As an actress, ang dami ko pang gustong gawin na stories, ang dami ko pang gustong gawing movies, to take on different roles, especially that I’m getting older, mas nagiging mature din ‘yung mga roles na I’m allowed to do and that I’m willing to do,” pag-amin ni Julia.
Pagpapatuloy pa ng dyowa ni Gerald, “Aside from that, ako kasi, simple lang talaga ang gusto ko sa life. I just wanna have a family. ‘Yun lang talaga.
“So I feel like at 24, magwo-work na ako sobra. Tapos at 25, work din sobra. Para 26 and above, pwede na akong mag-start ng family ko,” pagpapakatotoo ng dalaga.
Aniya pa, “‘Yun ang dream ko talaga for myself since I was young. So ‘yun, to answer your question, now that I’m 24, I think I just really wanna hustle now, hustle next year, and then figure out from there how to start a family.”
Nabanggit ni BJ na parang pareho sila ng dream ni Ivana Alawi, ang magkaroon ng sariling pamilya pagsapit ng late 20s.
“I think because we’re both close to our families, our siblings, and our parents. I feel like it has an influence on the things na we want. Like I have such a good family, I have such a great mom, great siblings, close-tight relationships.
“My mom is my best friend. So parang I look forward to having my own like that. Maybe because she’s close to her family also,” lahad pa ni Julia.
Patuloy pa niya, “Sa totoo lang, I love being an actress and I’m so blessed that I get to do what I’m super passionate about, but I just really wanna have a family, ‘di ba? ‘Yun lang. Simple lang ang gusto ko.”
At sa tanong kung sino ang taong nais niyang makasama sa pagsisimula ng sariling pamilya, ang tipid na sagot ni Julia ay, “With my partner.”
The post At 24, magwo-work ako nang sobra para 26 and above, pwede na akong mag-start ng family ko appeared first on Bandera.
0 Comments