Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Angelica: Mahirap maghanap ng mamahalin at magmamahal sa ‘yo, walang presyo ang pag-ibig…

“MAY magmamahal pa ba sa akin? May magkakagusto pa ba sa akin or ikakasal pa ba ako?”

Ilan lang yan sa mga itinatanong ni Angelica Panganiban sa kanyang sarili noong panahong hindi pa dumarating sa buhay niya ang bagong boyfriend na si Gregg Homan.

Sa isang panayam kay Angelica sinabi ng dalaga na marami nang nagbago sa pananaw niya tungkol sa pakikipagrelasyon matapos dumaan sa sunud-sunod na failed relationships.

“Siguro hindi naman nag-hold back, nag-iingat lang. Parang wala naman ding naging pressure. Parang kalmado lang dumating yung lahat. Parang hindi binigla, hindi pinilit,” pahayag ng aktres sa estado ng lovelife niya ngayon.

“Parang nangyari na lang siya and slowly nag-o-open up na ulit yung sarili mo kasi parang naging normal na sa akin na may mataas na wall. Parang kahit naman noon pag may pinapakilala sa akin, parang wala hindi ko pinapansin.

“Ipinapakita ko na barkada lang ito. Siguro kapag dumating lang yung tao na wow pinursige. Eh wala na akong nagawa,” chika ng Kapamilya star.

Ipinagdiinan din ng dalaga na non-negotiable pa rin sa kanyang pakikipagrelasyon ang pagtanggap ng boyfriend niya sa kanyang trabaho bilang artista.

“Siguro yung freedom para magawa ko pa rin yung trabaho ko na malaya ako. Parang hindi ko naman kayang dinidiktahan ako ng ibang tao para eto lang yung mga puwede kong gawin.

“Hindi ko kayang masakal sa ganu’ng klaseng relationship dahil parang hindi magandang pinuputol mo yung growth ng isang tao. Lalong lalo na sa trabaho namin kasi mga artista kami so parang kung hindi mo naiintindihan, bahala ka.

“Pero ako bata pa lang ako eto na ang ginagawa ko, so ito yung first love ko. Siguro yun, pagka may mga ganun, pag pinatigil akong mag-artista parang bahala ka,” paliwanag pa niya.

Inamin din ni Angelica na may pagkakataong kinuwestiyon din niya ang sarili kung “marriage material” ba siya, “Parang lahat naman siguro ng mga single tapos parang mga nasa ganitong edad na, nasa 30 plus ka na tapos single ka pa rin, parang kukuwestiyunin mo na yung sarili mo na, ‘May magmamahal pa ba sa akin?

“‘May magkakagusto pa ba sa akin or ikakasal pa ba ako? Magkakaroon ba ako ng pamilya?’ Parang hanggang ngayon naman eh running question pa rin yun di ba?” pagpapakatotoo pa ng aktres.

“Mahirap maghanap ng mamahalin at magmamahal sa ’yo pero walang presyo yung pag-ibig, yung pagmamahal. Hindi yun naususukat ng kahit anong regalo or kahit na anong bagay.

“Ang mahal yung pagbuo niyo ng buhay together di ba? Lalong lalo na kapag may mga anak na kayo, may mga responsibilidad na kayo. So doon yung papasok yung mahal magmahal.

“Kaya ang sarap maging bagets eh, yung mga pa-high school. Tapos nagma-monthsary lang kayo, yung regalo niyo lang pag monthsary. Tapos may terno kayong mga singsing. Ha-hahaha!

“Siguro habang tumatanda ka mas nagiging mahal magmahal. Dahil diyan, marami kayong matututunan sa pagmamahal sa panonood ng Love or Money,” sey pa ni Angelica na ang tinutukoy ay ang movie nila ni Coco Martin.

The post Angelica: Mahirap maghanap ng mamahalin at magmamahal sa ‘yo, walang presyo ang pag-ibig… appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments