Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ang Thai actor nga bang si Mario Maurer ang ‘TOTGA’ ni Kakai Bautista?

ANG Thai superstar nga bang si Mario Maurer ang itinuturing na TOTGA (the one that got away) ni Kakai Bautista?

Yan ang tanong ng mga Kapuso viewers nang mapanood ang guesting ng Kapuso comedienne sa nakaraang episode ng “Mars Pa More” kasama ang isa pang hunk actor na na-link noon sa kanya – si Ahron Villena.

Sa isang bahagi ng programa, sumabak ang dalawa sa segment na “On The Spot” kasama ang mga host na sina Iya Villania at Camille Prats.

Dito, kailangan nilang kumpletuhin ang mga phrases na babanggitin nina Camille at Iya na nagsisimula sa, “Yung totoo.”

Si Ahron ang unang na-on the spot at ang napunta sa kanya ay ang sentence na, “’Yung totoo, isang white lie na sinabi ko ay,” na sinagot ng binata ng, “Nang hindi ko sinabi sa ex ko na makikipagkita ako sa mga friends ko.”

Paliwanag ng binata, ayaw na lang daw kasi niyang magkaroon pa sila ng argumento dahil alam niyang hindi rin siya papayagan ng kanyang ex.

Napunta kay Kakai ang, “’Yung totoo, sa lahat ng katrabaho ko, ang pinaka hindi ko namimiss ay si…” na sinagot agad ni Ahron ng, “Ako.”

Hirit naman ni Kakai, “Hindi kita nami-miss kasi constant naman tayong nag-uusap. Tsaka naman kahit ‘di tayo mag-usap.” Tinuksu-tukso naman sila nina Iya at Camille dahil alam nilang natsismis noon ang dalawa.

Ito naman ang kinumpletong pangungusap ni Camille, “’Yung totoo, ayaw na ayaw ko talaga tuwing ang asawa/partner/jowa ko ay…kapag mali-mali ‘yung mga nadadalhan nu’ng mga delivery na binilin ko, mars.”

Ang kay Iya naman ay, “’Yung totoo, ‘yung bukod tanging wish ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad ay…it would be na makapagbiyahe kami buong pamilya, kasama ‘yung mga angels namin dito sa bahay. That is my wish.”

At sa huling bahagi nga ng challenge, kinumpleto nina Ahron at Kakai ang phrase na, “’Yung totoo, kung kaharap ko ngayon ang TOTGA or the one that got away ko, ang gusto kong sabihin sa kanya ay…”

Sabi ni Ahron, “Bakit siya at hindi ako? Iisipin ko na lang na parang ‘Akin ka dapat e. Kaso hindi ka naghintay,’ parang ganu’n.”

Hirit naman ni Kakai, “Ano kasi, dapat English, e. Charot! Baka hindi niya maintindihan ang Tagalog. Eme! Ha-hahaha!”

Dugtong ng komedyana, “Why didn’t you believe in me? It sums up all the kemerut, ganu’n.” Na sinundan ng tanong nina Iya at Camille kung ang TOTGA ba niya ay isang foreigner at kung kilala ba nila ito?

Sagot ni Kakai, “Confirmed. Ha-hahaha!”

Hindi man binanggit ng komedyana at isa sa mga cast members ng “First Yaya” ang name ng guy, iisa lang ang hula ng mga manonood, baka raw ang sikat na Thai actor na si Mario Maurer ang tinutukoy niya na nakasama niya noon sa isang pelikula.

Kung matatandaan, na-link pa nga si Kakai kay Mario dahil naging close talaga sila habang sinu-shooting nila ang nasabing movie with Erich Gonzales.

The post Ang Thai actor nga bang si Mario Maurer ang ‘TOTGA’ ni Kakai Bautista? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments