Hiniling ni Senator Richard Gordon na magbitiw na sa kanilang puwesto ang mga opisyal at kawani ng Land Transportation Office (LTO) na responsable sa pagkakaantala sa pagpapatupad ng Republic Act 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act.
Sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Blue Ribbon Committee, ipinagdiinan ni Gordon na halos 9,000 na ang napapatay ng mga ‘riding in tandem criminals.’
Layon ng batas na isinulong ng senador na mapigilan ang mga kriminal sa paggamit ng motorsiklo bilang get-away vehicles sa pamamagitan nang pagpapalaki ng plaka ng mga motorisklo para mas madali itong mabasa at matandaan.
“Enough is enough. We can no longer tolerate the situation where nothing is happening except people are being killed without the protection of the law,” ani Gordon.
“If they cannot do that, then I demand the resignation of all the people of LTO na may kinalaman diyan. Hindi biro ‘yang ginagawa ninyo, people are dying, people are losing their motorcycles to thieves, people are losing their bags, their cellphones dahil wala kayong ginagawa,” dagdag niya.
Sa isinumiteng datos ng PNP, sa nakalipas na isang dekada, umabot sa 36,848 katao ang nabiktima ng riding-in-tandem na kriminal at 8,805 sa kanila ang napatay.
Nabunyag sa pagdinig na ang awayan ng dalawang supplier ng number plates ang ugat sa backlog sa produksyon ng mga plaka.
Bukod pa dito ang katiwalian sa pagpaparehistro at pamamahagi ng mga plaka.
The post Ulo ng LTO officials hinihingi ni Gordon dahil sa delay sa batas kontra ‘riding-in-tandem’ appeared first on Bandera.
0 Comments