Hiniling ni Senator Grace Poe sa Inter-Agency Task Force (IATF) na balikan ang direktiba ukol sa pagsusuot ng face mask ng mga magkakapamilya kahit sa loob ng kanilang sariling sasakyan.
Ayon kay Poe katawa-tawa at walang kabuluhan ang naisip na ito ng IATF.
Paliwanag ng senadora ang sariling sasakyan ay extension na ng bahay at aniya hanggang walang ibang sasakay ito ay maituturing na “private bubble.”
Diin ni Poe ang mandatory na pagsusuot ng mask ay dapat lang sa mga pampublikong sasakyan o carpooling.
Kayat sinabi na nito na sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Public Services sa Pebrero 9 na uusisain niya ang isyu sa mga dadalong opisyal ng IATF.
The post Pagsusuot ng mask sa loob ng private vehicles katawa-tawa, ayon kay Poe appeared first on Bandera.
0 Comments