Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ronnie, Loisa nagsalita na tungkol sa isyu ng live-in: Sabihin nating mas lamang na magkasama kami…

SA katatapos na virtual mediacon para sa mini-series na “Unloving U” nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, marami ang nakapansin na malaki na ang ipinagbago ng young actor.

Nakasama ng Kapamilya couple sa nasabing presscon ang co-star nilang si Gelli de Belen at ang direktor ng serye na si Direk Easy Ferrer.

Kung noon ay medyo magulong kausap si Ronnie dahil kung anu-ano ang sinasabi, ngayon ay diretso at malinaw na siyang sumagot.

Sabi ng binata, “Siguro po sa mga napagdaanan din po kasi. Di ba, doon naman tayo natututo pag may napagdaanan tayo dati na parang may mali sa atin (kaya) nababago po natin. So, ‘yun po ang feeling ko, natuto lang ako ngayon.”

Sumang-ayon naman dito ang katipan ni Ronnie na si Loisa, “Totoo po, iba na ‘yung pinag-mature ni Ronnie ngayon. Puwede nang maging…Daddy Ronnie na nga tawag ko sa kanya kasi sinesermunan din niya ako.

“Siya ‘yung nagsesermon sa akin nap ag ganito o ganyan, matured na talaga siya,” sabi ng aktres.

At dahil nabanggit ang terminong “Daddy Ronnie” ay natanong kung ready na ba siyang magkaroon ng baby, “Ay hindi naman po,” natawang sambit ng aktor.

“Unloving U” ang titulo ng mini-series ng dalawa na mapapanood na sa Peb. 8 sa iWantTFC kaya natanong sina Ronnie at Loisa ng, “Mahirap kitang i-unlove kasi…?”

Sabi ni Loisa, “Ronnie mahirap kitang i-unlove kasi love kita. Pwede na ba ‘yun? Kasi love ko siya, eh.”

Para naman kay Ronnie, “Loisa mahirap kitang i-unlove kasi halos ikaw na ‘yung kalahati ko.” At napuri ulit ang aktor sa sinabi niyang ito.

Interesting ang mini-series na ito nina Ronnie at Loisa bilang sina Alfie at Fiona dahil naiiba ito sa mga nagawa na nilang serye dahil stepsister/stepbrother sila na laging nag-aaway.

Sabi ni Ronnie, “Mahirap kasi magkapatid kami rito, stepsister ko siya. Ang hirap gawin ‘yung eksena na para sa kanya tingin ko sa kanya kapatid ko at nag-a-attitude ako sa kanya kasi ayaw ko, napaka-jejemon niya.”

Si Ronnie ay anak ni Gelli bilang isang nurse habang si Ariel Rivera naman ay isang doktor at anak niya si Loisa.

Samantala, natanong ang dalawa kung nagsasama na sila sa isang bubong dahil may mga post sa Instagram account niya si Ronnie na nasa iisang bahay sila parati.

“Nagkakasama po,” sambit ng aktor.

Salo ni Loisa, “Sobrang lapit po kasi ng bahay namin kina Ronnie as in puwedeng mag-scooter.”

Sundot pa ng binata, “Oo nagkakasama kami, sabihin na nating mas lamang na magkasama kami, ‘yun po.”

Mapapanood na ang mini-series nina Ronnie at Loisa sa Peb. 8 mula sa Dreamscape Entertainment.

The post Ronnie, Loisa nagsalita na tungkol sa isyu ng live-in: Sabihin nating mas lamang na magkasama kami… appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments