Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Male singer na-shock nang tawaging ‘bakla’ ni gay TV host

NATIGALGAL ang male singer na pinagdududahan ang sekswalidad dahil hindi sinasadyang tinawag siyang “bakla” ng isang gay TV host sa isang event.

“Buti na lang nasa backstage sila pareho at iilan lang ang tao. Nagbibiruan kasi sila ni ____ (gay TV host) hanggang sa natawag siyang ‘bakla.’

“Nagkagulatan sila, si ____ (male singer) hindi nakasagot at napatingin lang. Si ____ (gay TV host), dedma na lang hanggang sa tinawag na siya sa stage,” kuwento ng handler na nandoon din sa backstage.

Nang ikuwento ito sa amin hindi na kami nagtaka dahil matagal na itong natsitsismis at dahil mabait at maayos namang kausap si male singer ay ibinibigay pa rin namin ang respeto sa kanya kahit sino pa siya.

Naalala namin ang batang male singer din na produkto ng reality show na pinagdudahan din pero ilang beses niya itong itinanggi kaya nirespeto rin siya ng lahat.

Pero ang totoo ay beki ang batang male singer, hintayin na lang natin kung kailan siya aamin dahil nakatitiyak kaming malapit na ito base na rin sa mga post niya sa kanyang social media account.

Going back sa male singer na pinagdududahan ang gender, naisip namin na baka para sa kanya ay “what you see is what you get” na at hindi na kailangan pang ibandera. Kaya dedma na tayo, guys.

Si gay TV host naman ay sumusumpang beki nga ang male singer dahil nakasabayan daw niya ito sa isang exclusive bar at may kausap na lalaki na kunwari ay hindi niya pinansin para hindi mapahiya.

Hmmm, kaya pala dedma si gay TV host at hindi nag-sorry nang tawagin niyang “bakla” si male singer kahit natigilan kasi nga confirmed na niya!

The post Male singer na-shock nang tawaging ‘bakla’ ni gay TV host appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments