Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ex-PBB housemate Baninay iyak nang iyak sa paghihiwalay nila ni Bont: Love na love ko siya, pero…

UMIIYAK na ibinalita ng dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Baninay Bautista na hiwalay na sila ng kanyang vlogger boyfriend na si Bont Bryan Oropel.

Hindi napigilan ng dalaga ang maging emosyonal habang nagkukuwento tungkol sa break-up nila ng dyowa na mapapanood sa latest vlog niya sa YouTube.

“Wala na kami ni Bont. Halos mag-two years na kami. Mahaba na rin ‘yung pinagsamahan namin. Siya ‘yung lalaki na pangarap ko. Wala akong reklamo sa ugali niya.

“Sobrang bait niya sa akin. Sobrang mahal na mahal niya ako. So, love na love ko siya pero dadating din pala kayo sa point na hindi kayo magkakaintindihan.

“Yung hindi mo alam kung anong nangyaring mali pero alam mo may mali,” ang bahagi ng pahayag ni Baninay sa kanyang vlog.

Pagpapatuloy pa niya, “Alam mo may nagbago. Hindi ko alam kung anong point sa relationship namin pero alam ko na may problema na kami.”

Sa ikalawang bahagi ng video ni Baninay, sinabi niyang kahit nagkanya-kanya na sila ng landas ni Bont nananatili pa rin silang magkaibigan. Nagdesisyon din silang ipagpatuloy ang pinagsosyohan na negosyo.

“It’s been almost three weeks na simula nong naghiwalay kami. Nasa Boracay siya ngayon, nandito ako sa apartment ko sa Cavite. Nagta-travel siya. We’re friends.

“Minsan nagkakamustahan kami tungkol sa business. Ang hirap kasi ‘yung dati kong partner sa buhay, ‘yung boyfriend ko, ‘yung partner in crime ko, business partner ko na lang,” pahayag ng sikat na vlogger.

Sinabi pa ni Baninay na nag-try silang ayusin ang kanilang relasyon at tinangkang magbalikan pero mukhang hindi rin ito nag-work para sa kanila.

“After namin mag-break tina-try pa namin ayusin. Akala ko nga babalik na kami sa dati pero may something na hindi mafi-fix kapag hindi ka rin na-fix sa sarili mo.

“Kumbaga aayusin ko muna sarili ko, aayusin mo muna sarili mo saka tayo mag-usap, parang ganon.

“Time apart lang talaga ‘yung kailangan namin… Let me grow. I’ll let you grow,” aniya pa.

The post Ex-PBB housemate Baninay iyak nang iyak sa paghihiwalay nila ni Bont: Love na love ko siya, pero… appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments