Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Aicelle Santos nahihirapan bilang padede mom; ngayon pa lang ‘stage nanay’ na kay Baby Zandrine

AMINADO ang Kapuso actress-singer at “Centerstage” judge na si Aicelle Santos na ngayon pa lang ay pareho na silang “stage parents” ni Mark Zambrano sa panganay nilang anak.

Kung mapapansin, puro litrato at video na ni Baby Zandrine Anne ang makikita sa Instagram account ni Aicelle na kinagigiliwan naman ng kanyang mga fans and followers.

Sey ng award-winning OPM artist at  theater actress ang kanilang anak ni Mark na ipinanganak lang last December, 2020 ang source of joy nila ngayon.

“To be honest, pigil na pigil pa ako n’yan mag-post (sa IG) pero ‘yung laman ng aking gallery puro si Zandrine na. While she’s sleeping, we love taking photos of her na pagkausap namin siya kasi parang nangungusap na siya,” sey ni Aicelle sa isang TV interview.

At dito nga inamin ng singer-actress na this early ay matatawag na silang stage parents ni Mark dahil talagang hands on sila sa pag-aalaga kay Baby Zandrine.

“Tapos every time after bath bigla na lang kaming mamimili ng outfit lalagyan namin ng ribbon tapos dito namin siya ilalagay sa couch. Sobrang comfortable niya.

“So, habang nagpi-picture either one of us ng kanyang daddy, minsan si daddy magpi-picture tapos ako ‘yung kung anu-anong gagawin, we’re stage parents,” natatawa niyang chika.

Inamin naman ni Aicelle na ngayon niya napatunayan na effort at talagang career ang pagiging mommy lalo pa’t first niyang magka-baby. Hirap na hirap daw siya noong first two weeks ng kanyang pagiging “padede mom”.

“I am still learning. Siyempre the first two weeks medyo hirap kasi nga iba pa ‘yung oras ng tulog ni baby. Right now, I can say medyo nagkakilanlan na kami ng aking baby.

“When it comes to breastfeeding naman, I have more milk now. Sabi ko nga e hanggang gusto niyang mag-feed sa akin,” chika pa ni Aicelle.

Samantala, bukod sa pagiging mommy, balik-trabaho na rin siya ngayon bilang judge sa Kapuso reality kiddie singing competition na “Centerstage” na muling mapapanood very soon.

Makakasama niya uli bilang hurado sa programa sina Concert Queen Pops Fernandez at Maestro Mel Villena with Asia’s Multimedia Star Alden Richards and Betong Sumaya as host.

“For this year, magsisimula na ‘yung ‘Centerstage.’ Sa February 7 na po ‘yan, abangan n’yo kasi ang gagaling ng mga bata. Talagang napaka-talented nila and we have a new set.

“It’s actually a virtual set kasi you can’t have the children over the studio sa ngayon. ‘Centerstage’ went out our way para makarating sa mga bata,” aniya pa.

The post Aicelle Santos nahihirapan bilang padede mom; ngayon pa lang ‘stage nanay’ na kay Baby Zandrine appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments