Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Vice kay Roque: Sa sabong panlaba nga choosy tayo, e, bakuna pa kaya? Ano basta may maisaksak lang?!

NA-BAD trip din ang TV host-comedian na si Vice Ganda sa naging pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque tungkol sa sistema ng pagbabakuna sa bansa kontra COVID-19.

Hindi napigilan ni Vice ang maglabas ng saloobin matapos sabihin ni Roque na hindi maaaring pumili ng COVID-19 vaccine brand ang mga Filipino na ituturok sa kanila.

Ayon kay Roque, hindi raw kasi kontrolado ng gobyerno kung ano ang brand na gagamitin sa libreng pagbabakuna sa mga Pinoy kaya sana’y huwag nang maging choosy ang publiko.

“Napag-usapan na ‘yan. Hindi pa covered ng IATF resolution pero parang mayroon ng consensus. Wala pong pilian, wala kasing pilitan,” ani Roque sa nakaraang televised press briefing.

“Tama lang naman po ‘yan. Walang pilian kasi hindi naman natin makokontrol talaga kung ano ang darating at libre po ito. Pero ganun po ‘yan there is such a thing as waiver of a right.

“Totoo po, meron tayong lahat karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi pupuwede na pihikan dahil napakadaming Pilipino na dapat turukan,” paliwanag nito.

Sa kanyang Twitter account, nag-post ang Phenomenal Box-Office Star ng pagkontra sa pahayag ng nasabing opisyal ng gobyerno. Ipinagdiinan ng komedyante na kahit nga raw sa paggamit ng sabon ay mapili ang mga tao, sa bakuna pa kaya?

“Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!” ang tweet ni Vice kahapon.

Marami namang Pinoy sumang-ayon sa Kapamilya TV host at binatikos si Roque. Hindi rin nagustuhan ng ilang mambabatas ang kontrobersyal na pahayag ng opisyal.

Samantala, sinabi naman ni Roque na ang COVID-19 vaccine ng China na Sinovac ang gagamitin ng Pilipinas sa libreng pagbabakuna na sisimulan sa Pebrero.

Aniya, ito lang ang brand na available hanggang sa kalagitnaan ng taon. Ang iba pang brand na nabili ng pamahalaan ay sa July pa maide-deliver.

The post Vice kay Roque: Sa sabong panlaba nga choosy tayo, e, bakuna pa kaya? Ano basta may maisaksak lang?! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments