HINIHINTAY ngayon ng madlang pipol ang magiging paliwanag ng TV host at kakambal ni Richard Gutierrez na si Raymond tungkol sa umano’y pagse-celebrate nito ng birthday sa isang restaurant sa Taguig City sa gitna ng pandemya.
Kumalat kasi sa social media ang ilang litrato na kuha sa selebrasyon ni Raymond sa La Picara Restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig — ang reklamo ng netizens, tila lumabag sa safety protocols ang mga naroon.
Sa isang photo, makikita si Raymond na pinalilibutan ng kanyang mga bisita habang hinihipan ang mga kandila sa kanyang cake. Ang nakalagay sa caption, “Happy birthday, @mond.
Note: Everyone was PCR Tested!”
Kasunod nito, may mga litrato ring naka-post sa socmed kung saan makikita ang “notice of closure” na nakalapaskel sa entrance ng nasabing resto mula sa local government ng Taguig City.
Iba’t iba ang naging reaksyon ng netizens sa nasabing issue, may nagalit kay Raymond at sa mga bisita sa party pero may ilan ding nagtanggol sa kapatid nina Richard at Ruffa Gutierrez.
Karamihan sa mga nagkomento ay naawa sa mga empleyado ng ipinasarang resto na biglang nawalan na trabaho dahil sa nangyari. Sinisisi naman ng iba ang management ng venue dahil pinayagan ang ganu’ng karaming tao sa party.
“The pa-cool peeps are back again. They’ll be celebrating their birthdays like surviving 2020, and yet, we’re still not free from the virus this 2021–nadagdagan pa nga ng UK variant.
“Sana lang makunsensya naman ‘yang si Mond at i-employ ‘yung mga nawalan ng mga trabaho,” ang comment ng isang Twitter user.
Sey naman ng isa, “I was surprised how many times when they didn’t respect the maximum people allowed to be inside the restaurant. They were asking for this a long time ago!”
“Ang sad but i wont conclude na its mond’s fault. Maybe someone surprised him a party. Lets not judge him right away,” komento ng isang netizen.
Samantala, naglabas na rin ng official statement si Taguig City Mayor Lino Cayetano at aniya hindi sapat na rason ang negative swab test ng mga bisita sa party para sabihing walang nagawang violation sa health protocols ang restaurant.
“Establishments in Taguig that endanger the health and safety of their customers and employees will be engaged immediately. Repeated violators will be closed down.
“We will not allow a few irresponsible establishments to compromise our efforts in making Taguig a model community for living in the new normal.
“We will strive to implement health and safety protocols so that businesses in Taguig can thrive,” bahagi ng pahayag ni Cayetano.
Narito naman ang paalala ni Taguig Rep. Lani Cayetano, “A ‘negative’ test result is not a ticket to socialize without precautions and disregard minimum health protocols.
“A test result detects the virus at one point in time. It only means that COVID-19 is undetected at the time and place you were swabbed.
“To the influencers, the present situation calls for you to set the right example and do the right thing for everyone’s safety. People look up to you and admire you.
“This responsibility should not be taken lightly. Now is the time to use your platform, do good, and perform your civic duty to society.
“Everyone is welcome to enjoy what the City of Taguig has to offer. You are welcome to visit our city to dine, shop, do business, but do so responsibly.
“We have worked hard to earn our place as the City with the least number of active cases per 100,000 population in Metro Manila. We intend to keep it that way.
“Please do not let the efforts of our public servants and health workers go to waste,” aniya pa.
Agad naming ilalathala ang magiging paliwanag ni Raymond o ng kahit sino sa kanyang pamilya tungkol sa isyung ito.
The post Resto sa Taguig ipinasara dahil sa b-day party ni Raymond; lumabag sa health protocols? appeared first on Bandera.
0 Comments