Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Pia ayaw nang patayin ang sarili sa pagtatrabaho; iiwas muna sa mundo ng beauty pageant

NGAYONG 2021, balak ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na makagawa ng mga makabuluhang proyekto na malayo sa mundo ng beauty pageant.

Ayon sa actress-beauty queen, gusto niyang malayo muna sa pageant world na naging mundo niya sa loob ng napakaraming taon matapos nga siyang makoronahan bilang Miss Universe.

Sa online talk show na “Queentuhan”, inamin ni Pia na nitong nakaraang taon ay napakarami niyang realizations sa buhay, lalo na noong kasagsagan ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

“I was able to take the time in 2020 to really reflect on what I wanted to do outside of this whole pageant scene.

“Naikwento ko na rin siguro before, but I really want to transition outside of pageantry,” pahayag ng aktres.

Nabanggit din niya na mas masaya at kuntento siya ngayon dahil nakokontrol na niya ang mga ginagawa at tinatanggap niyang trabaho, hindi tulad noon na halos lahat ay kailangang niyang gawin.

“Dati sumusunod lang ako sa ibinibigay sa akin na schedules. This time, parang mas napi-feel ko na parang kung ano ‘yung gusto ko, ‘yun ‘yung nagagawa ko,” pahayag ng dalaga.

Sa panayam kay Pia ng Gulf News noong nakaraang buwan, sinabi niyang mas naging busy pa ang buhay at career niya matapos ang reign niya bilang Miss Universe.

“The thing I wish somebody told me was that, after you win, you got to work twice as hard to stay relevant. Because the peak is the win, and then the reign.

“After that, usually, you’ve got to work twice as hard to keep yourself up there, to keep yourself relevant and in the public eye,” paliwanag niya.

Kaya naman ang isa sa mga New Year’s resolution ni Pia ay ang mas bigyan ng panahon ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay kesa sa pagtatrabaho nang bonggang-bongga.

“I’ve been working every day straight. I didn’t even know what a weekend was before. So I realized I’ve been missing birthdays, weddings, real-life experiences.

“Years have passed since I won Miss Universe and I barely have any real life experiences because I’m always at work.

“Then I realized that’s not a way to live. I need to balance it. I need to spend more time with my loved ones, with my family, do the things that make me happy rather than just burying myself at work,” lahad pa ng beauty queen.

The post Pia ayaw nang patayin ang sarili sa pagtatrabaho; iiwas muna sa mundo ng beauty pageant appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments