Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

PBB housemate Haira napalayas na rin sa Bahay ni Kuya; mga task ni Big Brother pahirap nang pahirap

NAPAALIS na rin sa Bahay ni Kuya ang 16-anyos na Makatang Marikit ng Pangasinan na si Haira Palaguitto.

Hindi siya nailigtas ng nakuhang botong 2.61% sa pinagsamang Kumu at text votes kagabi nitong Linggo, Enero 24 sa “PBB Connect.”

Naisalba naman ng mga manonood sina Ella Cayabyab (16.87%), Kyron Aguilera (9.38%), at Aizyl Tandugon (8.13%) sa ikalimang eviction night ng programa.

Pero mas tumitindi ang mga pagsubok sa loob ng bahay ni Kuya dahil nakasalalay mismo sa kamay ng housemates kung magkakaroon sila ng double eviction pagkatapos mamaalam ni Haira.

Sa kanilang bagong special task na tinaguriang Delika-dos ay posibleng dalawang housemates ang mag-iimpake at mamamaalam sa Bahay ni Kuya sa susunod na eviction night depende sa team performance ng 13 natitirang housemates.

Kabilang dito ang tatlong bagong housemates na pinili ng Kumunity na sina Amanda Zamora ng San Juan, Quincy Villanueva ng Laguna, at ang kakapasok lang na si Gail Banawis ng New York.

Samantala, mananatiling ligtas naman sa eviction ngayong linggo sina Alyssa Exala ng Australia at Chico Alicaya ng Cebu matapos mapanalunan ang supercharged tasks ni Kuya na nagbigay sa kanila ng proteksyon sa eviction bilang Heads of Household.

Masusubukan din ang galing ng housemates sa live online selling sa Kumu ng produktong gagawin nila bilang kanilang weekly task.

Kayanin kaya ng housemates ang Delika-dos at live online selling tasks ni Kuya?

Tulad ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ay trending din ang “PBB Connect” kaya abangan ang iba pang pangyayari tuwing 10 p.m., Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel.

Samahan din sina Bianca at Robi sa PBB KUMUnect Tayo sa 10 p.m. (Lunes hanggang Sabado) at 8:30 p.m. (Linggo) at sina Melai Cantiveros at Enchong Dee sa PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show ng 5PM sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn).

The post PBB housemate Haira napalayas na rin sa Bahay ni Kuya; mga task ni Big Brother pahirap nang pahirap appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments