Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Paulo kinumpirmang certified Kapamilya na si Janine

MUKHANG na-preempt na ni Paulo Avelino ang announcement ng ABS-CBN na isa nang certified Kapamilya si Janine Gutierrez.

Sa pagkakaalam namin ay naghahanda ang ABS-CBN ng bonggang welcome para kay Janine at sa coverage ng contract signing niya pero inunahan na nga sila ng aktor.

Sa ginanap na “Fan Girl” global mediacon ay tinanong si Paulo ng dating aktor na vlogger na ngayong si Bojo Molina (nasa Guam ngayon) kung ano ang next project nito pagkatapos ng “Fan Girl” na napapanood na sa KTX.ph.

“I have currently a teleserye and you can also watch it in TFC, Walang Hanggang Paalam.

“And I have another film, we shot pre-pandemic that’s coming out hopefully March or May.

“I’m not sure with the producers but probably Summer MMFF (Metro Manila Film Festival) is called ‘Ngayon Kaya’ with our newest Kapamilya, Janine Gutierrez,” kaswal na kuwento ng aktor.

Iisa ang manager nina Paulo at Janine, si Leo Dominguez na kamakailan ay nag-post na rin ng larawang kasama si Deo Endrinal, ang Dreamscape Entertainment head.

Nag-host kasi ng dinner ang TV executive bilang pagbati sa dalawang talent ni Leo Dominguez dahil sa pagkapanalo ng mga ito best actor at best actress.

Magkasunod na best actress award ang napanalunan ni Janine mula sa 43rd Gawad Urian at sa 2020 FAMAS Awards para sa natatanging pagganap niya sa “Babae At Baril” habang nagwagi namang best actor si Paulo sa MMFF 2020 para sa “Fan Girl.”

Anyway, balitang this week na magaganap ang contract signing ni Janine sa Kapamiya network at per project basis daw muna ito.

The post Paulo kinumpirmang certified Kapamilya na si Janine appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments