Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kilalang aktres 2 lalaki ang dine-date; hindi pa nakakapili kung sino ang jojowain

WALA kaming alam na kuwento o kahit tsismis man lang na namamangka sa dalawang ilog ang isang sikat na aktres.

Ever since naman ang pagkakakilala namin sa kanya ay one-man woman at inaabot talaga ng taon ang mga nagiging relasyon niya.

Kaya namin ito nabanggit ay dahil tinawagan kami ng isa sa aming source para sabihing nakita niyang may idine-date na ibang aktor ang sikat na aktres considering na may iba rin siyang constant date.

Naguluhan kami dahil hindi naman nababalita o nakikitang kasama ng sikat na aktres ang sinasabing dine-date nito dahil ang constant date nga niya ang nababalita at madalas silang nakikitang magkasama sa iba’t ibang lugar.

“Puwede namang makipag-date si _____ (pangalan ng sikat na aktres) kasi technically ay wala naman siyang boyfriend kaya puwede siyang sumama sa lalaking gusto niyang samahan.

“Kaya lang si _____ (constant date) hindi naman siya seryoso ro’n.  Parang mas gusto niya ‘yung isa,” kuwento ng aming source.

Ibig bang sabihin, pinaaasa lang ng kilalang aktres ang madalas niyang kasama sa lakaran dahil ang talagang type niyang dyowain ay ang bagong dine-date niya ngayon?

Hmmmm, baka kaya gusto ng sikat na aktres ‘yung isang lalaking prospect niya ay dahil mas matulis kumpara sa constant date niya na parang harmless?

Anyway, abangan na lang natin kung ano ang magiging resulta ng patikim-tikim na date ng kilalang aktres at ng matulis na aktor.

Mauwi nga kaya sa seryosohang relasyon ang kanilang paglabas-labas? At ano naman kaya ang balak ng aktres sa kanyang constant date — patuloy na paasahin sa wala?

The post Kilalang aktres 2 lalaki ang dine-date; hindi pa nakakapili kung sino ang jojowain appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments