SAAN nga ba nanggaling ang tsikang mawawala na ang “Lunch Out Loud” o “LOL” at ang ipapalit daw ay ang “It’s Showtime” na mapapanood na rin sa TV5.
Nagsimulang umugong ang balita nang mapanood na ang “ASAP Natin ‘To” sa TV5 nitong Linggo, Enero 24, dahil wala na ang “Sunday Noontime Live” o “SNL.”
Base sa press release ay ang “ASAP Natin ‘To” at “FPJ Da King” movies ang unang dalawang programa ng ABS-CBN ang mapapanood sa Kapatid network. Wala naman kaming nabasang kasama ang “Showtime.”
Anyway, ang nagtatakang sabi sa amin ng taga-TV5 ay maganda ang feedback sa “LOL” na kinabibilangan nina Billy Crawford, Bayani Agbayani, K Brosas, KC Montero, Wacky Kiray, Mark Averilla o mas kilala bilang si Macoy Dubs at Alex Gonzaga, at bukod dito ay puno pa ito ng commercials.
“Maraming commercials ang LOL kahit January pa lang. Usually wala masyadong commercials pag ganitong buwan. Siguro kaya naisip na pati Showtime eere na rin sa TV5,” kaswal na sabi ng aming kausap.
Ang “mean” naman ng nagpapakalat na mawawala na ang “LOL”, ‘wag naman sanang ganu’n dahil ilang tao na naman ang mawawalan ng trabaho kapag nawala ang programa.
Saka kampante naman ang “Showtime” sa Kapamilya network at marami pa rin silang viewers dahil kahit walang prangkisa ang ABS-CBN ay hindi naman sila nagpapahuli sa katapat nilang programa.
* * *
Naintriga kami sa panayam ng Pep kay Mr. Johnny Manahan o Mr. M na may “mata” pagdating sa mga baguhang artista. Alalahanin na maraming napasikat na artista ngayon ang dating Star Magic head na hindi na namin iisa-isahin pa.
Anyway, nabanggit ni Mr. M ang mga pangalan nina Daniella Stranner at Anthony Jennings na isa sa mga araw na ito ay magiging gold mine ng ABS-CBN.
Ayon sa star builder ay nakitaan ng potential si Daniella sa TV series nina Liza Soberano at Enrique Gil na “Make it With You” bilang si Cheska at si Anthony naman bilang si Rhamboy.
“Bale second layer silang loveteam. ‘yung Daniella iba siya, para siyang si Liza, she’s a natural,” sambit ni Mr. M sa nasabing panayam.
At ang baguhang tisoy aktor, “Si Anthony may istorya ‘yan, eh. Ano ba ‘yung trabaho niya, sa pier? Nagbubuhat siya (kargador), ganu’n siya sa Tondo (Manila) something. Nakakaano kasi mukha siyang mestizo tapos nag-aaral siya sa may lampara, street lamp. Ganu’n siya kadukha. May mga kapatid siya tapos siya lang nag-e-earn ng money.
“I hope he’s doing okay kasi pinasok ko yan sa Rise (Artist). Mabuti na lang ‘yung Rise may allowance ‘yan, so, masaya na siya ng konti hindi na siya nagbabasa ng libro (under the street lamp),” dagdag pa ni Mr. M.
Bukod sa mga nag-apply ay sa social media at YouTube raw nakaka-discover din ng talents sina Mr. M at ang formula para maging successful ang isang baguhan, “Formula to become a star must have talent, work ethic/attitude, patience and luck 50% ang laki no, kasi I tell them, if you want to become an artist you have to learn how to wait.
“That’s the game, artist wait all the time. You wait for an audition; you wait while doing an audition, you wait while you’re not doing the audition, wait, wait. You wait for your take just keep waiting until bumagsak ‘yung ginto,” pahayag ni Mr. M.
Sabi nga, patience is a virtue.
The post Pagtsugi sa noontime show nina Billy, Alex at K Brosas sa TV5 fake news appeared first on Bandera.
0 Comments