TAWANG-TAWA ang mga netizens sa nakakalokang mensahe ni Mommy Pinty Gonzaga para sa anak na si Alex Gonzaga matapos ang announcement nito tungkol sa kasal nila ni Mikee Morada.
Nag-react ang nanay ni Alex sa kanyang post tungkol sa intimate wedding nila ni Mikee na ginanap sa bahay nila noong November, 2020.
Sabi ni Mommy Pinty, “Congrats to my bunso! Pwede na maputokan.” Na diretsahan namang sinagot ni Alex ng, “Anong pwede na? Tapos na!”
Sunud-sunod naman ang comments ng netizens sa palitan ng mensahe ng mag-ina. Narito ang ilan sa mga nakakaaliw na reaksyon ng mga supporters ni Alex.
Kasabay nito, nag-sorry din siya sa mga netizens dahil ngayon lang nila inamin ni Mikee na mag-asawa na sila. Aniya, “We want to celebrate together as a family muna and siyempre, alam namin na iyong timing din, saka alam namin na may pandemic.
“So, we just wanted to keep it for ourselves for a little while, to celebrate kaya… miss ko na itong mokong na ‘to! Haha! Ano, masaya?” Na sinagot naman ni Mikee ng, “Masaya.”
Sagot naman ni Alex, “Finally, nakakatabi ko na siyang matulog, yehey! Nakakatulog na siya sa kuwarto ko!”
“Tonight is the night, when two become one. Sana naka-prepare ka kasi talagang magkakalumpuhan tonight.
“But in all honesty, I praise God and I thank Jesus for you because you made a little girl’s dream come true,” sey pa ni Alex.
Sabi naman ni Mikee, “Haping-happy ako na ikaw ang binigay sa akin ni Lord. And I promise to take care of you gaya nung una kitang tinanong. I promise to take care of you always and to protect you. I love you.”
The post Mommy Pinty sa pagpapakasal ni Alex: Congrats to my bunso! Pwede na maputokan! appeared first on Bandera.
0 Comments