Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Mariel napaiyak habang kinakausap ang 2 anak; may gustong gawin ngayong 2021, pero…

WALANG tigil ang pagtulo ng luha ni Mariel Rodriguez habang nagbibigay ng mensahe sa dalawang anak nila ni Robin Padilla.

Kilala ang TV host na isang iyakin, madali siyang maiyak kahit sa isang simpleng pangyayari lamang, kaya ano pa kaya kung tungkol sa pamilya at mga anak na niya ang usapan.

Tinanong ni Toni Gonzaga ang kanyang kaibigan nang mag-guest ito sa talkshow niyang “I Feel U” kung ano ang nais niyang sabihin sa kanyang mga anak kung mapapanood nila ang nasabing interview 10 taon mula ngayon.

“Siguro for my kids, I want them to know that no matter what, whatever happens, I will always, always be there for them,” simulang tugon ni Mariel habang naluluha na.

Patuloy pa ng misis ni Binoe, “They don’t have to be perfect but mommy will always love them. I will do everything that I can for them. There is nothing in this world that I will not do for my children.

“Ten years from now if makita nila ito, it will still be the same. It will not change. I can change, I can evolve but my love for my children, it will never change,” sey pa ni Mariel.

Sa ngayon, habang may pandemya, gusto lang ni Mariel na ituon ang lahat ng oras niya sa kanyang mga anak at siyempre kay Robin na talaga namang na-eenjoy niya nang bonggang-bongga.

Pahayag pa ni Mariel, kapag nabigyan ng chance gusto naman niyang magbakasyon sa isang ligtas na lugar kasama ang pamilya. Never pa raw siyang lumabas ng bahay mula pa noong ipatupad ang community quarantine.

“Hindi ako umaalis ng bahay. ‘Yun ang mga wish ko for 2021 na sana magkaroon kami ng courage siguro to go on a family trip.

“Parang I feel like my kids, lalo na si Gabriela, gusto ko naman malaman niya na may ibang world. Hindi lang ‘yung bahay namin. Kasi lumaki na siya na ito lang ‘yung nakikita niya, ito lang ‘yung mga tao.

“‘Yung walls lang ng bahay namin ang alam niya. Baka isipin nu’ng bata, ito na ‘yun. Siguro there’s a time for that but that is what I am praying for,” paliwanag ni Mariel.

At tungkol naman sa relasyon nila ni Binoe, “I think we have a pretty good team. Lalo namin nakilala ang isa’t isa.”

The post Mariel napaiyak habang kinakausap ang 2 anak; may gustong gawin ngayong 2021, pero… appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments