Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

King Badger ng Ex-Battalion tagumpay sa pagpapaka-hunk: Sobrang hirap, mabaliw-baliw ako

HALOS mabaliw-baliw si Jon Gutierrez o mas kilala bilang King Badger ng grupong Ex-Battalion sa ginawang fitness journey sa loob ng limang buwan.

Na-shock ang kanyang mga tagasuporta nang ibandera niya sa kanyang bagong vlog ang pinagdaanang hirap at sakripisyo para ma-achieve ang hunky body niya ngayon.

Aminado si Jon na isa sa naging motivation niya sa kanyang “fat to fit journey” ay ang nakahiwalay na asawang si Jelai Andres na ang sexy-sexy pa rin hanggang ngayon.

Ani Jon, hindi niya namalayan na napabayaan na niya ang katawan at ang kalusugan kaya nang mabigyan ng pagkakataon noong August, 2020 sinimulan na nga niya ang pagpapapayat.

Nag-post ang vlogger-rapper ng kanyang before and after photos sa Instagram na may mahabang caption. Aniya, “Sa totoo lang kailangan talaga mauna ang focus sa DIET bago sa EXERCISE. Sabi nga nila 30% Workout 70% Nutrition.

“I can lose fat even without cardio but since I have set a goal sa utak ko na mas gusto ko mabilis na progress, we have added cardio along with lifting weights para mas pulido.

“Syempre ‘di magiging successful to kung walang diet kaya inayos ko talaga ang pag intake ko ng mga calories. We have estimated kung ilang calories and nabe-burn ko throughout my workouts and sa mga bagay-bagay na ginagawa ko then we have computed the calories I needed to consume in order to burn FATS.

“Mas madami dapat ang calories ko na binuburn compare sa pinapasok na calories. So nag deficit ako sa calorie intake ko along with my training,” pahayag ng Ex-Battalion member.

At kahit daw may mga trabahong pinagkakaabalahan, kabilang na ang pagsabak sa lock-in taping ng upcoming Kapuso series na “Owe My Love”, hindi pa rin niya itinigil ang pagwo-workout.

“I am still far from what I want. Hindi pa rin ito ang perfect body na gusto ko. I still want to be better sa fitness and gusto ko pa rin magka-six pack [abs] kasi hindi ko siya na-achieve. But, I am far from where I started which is a good thing. Bear in mind, I only did that in five months so possible kong ma-achieve if I do it for a year or 12 months,” aniya pa.

Kuwento pa ng actor-vlogger, “So far, this is the hardest vlog I ever have to pull off. Sobrang hirap niya. Actually, the dieting part is medyo mabaliw-baliw ako pero kung kaya ko, ibig sabihin kaya niyo rin kasi pare-parehas lang naman tayong tao.

“Sobrang hirap niya talaga i-pull off like you can buy anything. Hindi sa pagmamayabang, I can buy almost anything I want for myself, in terms of material stuff but etong workout and fitness na ‘to, na-realize ko na hindi mo kayang bilhin – ang magkaroon ng fit na katawan and maganda na katawan. Your money cannot do anything to give you a perfect six-pack [abs] unless it’s fake.

“Kahit sobrang hirap neto, wala akong regrets or anything towards working out or towards fitness and towards being healthy. Siguro kung may regrets ako, ayun ‘yung siguro hindi ko ‘to na-start ng earlier.

“Kasi if I started this earlier, I would look a lot better than this. But happy ako sa narating ko. I am very happy kung nasaan ako ngayon. Hindi pa ‘to ‘yung body na gusto ko but happy na ako kung nasaan ako,” lahad pa ni Jon.

The post King Badger ng Ex-Battalion tagumpay sa pagpapaka-hunk: Sobrang hirap, mabaliw-baliw ako appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments