Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Dating magka-loveteam 1 year nagdedmahan: Feeling kasi ng girl na-ghosting siya!

NAGKAAYOS na ang dating magka-loveteam na matagal ding hindi nag-usap dahil pakiramdam ng girl ay “na-ghosting” siya ng guy.

Pero ang totoo pala ay magkaibigan lang talaga ang dalawang celebrity base na rin sa mga kuwento ng kampo ng aktor.

Nag-expect daw kasi masyado si girl sa ka-loveteam niya kasi nga lagi silang magkasama noon sa mga lakaran na umaabot pa sa out of town, sa gimikan at hanggang sa walwalan.

Nang tinanong ng kaibigan niyang reporter si girl ay nabanggit nitong bigla siyang iniwan sa ere ni guy at hindi na nagparamdam pa.

Katwiran naman ng kampo ng aktor ay wala naman talaga silang relasyon. Nagkakatsikahan pa nga raw minsan ang dalawa, hindi nga lang laging nagkikita dahil naging abala na ang aktor sa kanyang sunud-sunod na proyekto.

Ending, may mga parunggit si girl sa mga panayam niya sa press kapag may event siya bagay na ikinairita ni guy. Hayun, mahigit isang taon din silang hindi nag-usap.

At ngayon ay okay na sila dahil may project na uli sila together at parang walang nangyaring isyu sa kanila nang magkaroon ng storycon ang gagawin nilang programa.

Maliit lang naman ang showbiz industry at sa panahon ng pandemya paiiralin pa ba ang pride kesa magkaroon ng trabaho?

Masuwerte nga sila at may trabaho pa rin sila until now kumpara sa ibang nakatengga na kahit na anong papansin sa social media nila ay wala pa ring proyekto.

Buti na lang kumikita sila sa social media sa kapo-post ng mga produkto kaya kahit paano ay may kinikita sila.
Ang mahal kaya ng bayad sa bawa’t post ng mga artista sa kung anu-anong brand ng products, lalo na kapag sikat ka.

The post Dating magka-loveteam 1 year nagdedmahan: Feeling kasi ng girl na-ghosting siya! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments