Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Julia umaming ‘taken’ na; ‘foreigner’ at mas matanda ang bagong dyowa

“TAKEN!” Yan ang ibinandera ni Julia Barretto sa buong universe patungkol sa relationship status niya ngayon.

Ibig sabihin, may bago na nga siyang boyfriend matapos ang kontrobersyal na love story at paghihiwalay nila noon ni Joshua Garcia.

Yan ang kung nagsasabi nga ng katotohanan at pawang katotohanan lang ang aktres about her lovelife. Pwede kasing trip-trip lang ang pagsasabi niyang taken na siya at meron nang dyowa.

Pero in fairness, marami naman ang naaliw sa TikTok video ni Julia kung saan nga niya inaming meron na siyang karelasyon. May mga natuwa at meron ding nangnega dahil nga ayaw pa raw diretsahin ng aktres kung sino ang mystery guy.

Nakasama ni Julia sa nasabing TikTok video game ang mga kaibigang sina Chie Filomeno, Issa Pressman, Aeriel Garcia, Bianca Pauline, Keiko Nakajima at Shamee Sugui.

Makikita sa video ang dalawang choices na magpa-flash sa screen at tatapatan mo lang kung ano ang mapipili mong sagot sa mga tanong.

Sa isang bahagi nito, tinanong ang magkakaibigan kung “SINGLE” o “TAKEN” sila, at makikita nga rito si Jukia na humiwalay sa mga friends niyang single at pinili ang sign na “TAKEN”.

At nang papiliin na si Julia kung “PINOY” o “AFAM” (foreigner) ang dyowa niya, tumapat siya sa “AFAM”. Inamin din niya na mas matanda sa kanya ang lalaki.

Kaya naman ang nagkakaisang hula ng mga netizens, si Gerald Anderson na nga ang tinutukoy ng dalaga. Bukod sa pagiging Filipino-American ng hunk actor, “OLDER” din ito kay Julia ng walong taon —  23 years old ang aktres habang 31 na si Gerald.

Marami na ring “resibo” ang mga netizens na magpapatunay sa relasyon nina Julia at Gerald kabilang na riyan ang ilang litrato kung saan magkasama umano ang dalawa sa isang sasakyan.

Spotted din daw ang rumored couple sa Baguio kung saan magkasama nilang sinalubong ang Bagong Taon.

So, ang tanong na nga lang kailan sila aamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon at kung ano ang magiging reaksyon dito ni Bea Alonzo.

Pero sa totoo lang, wala naman talagang problema kung sila na talaga, di ba? Pareho naman silang single at nasa tamang edad na rin kaya tulad ng komento ng kanilang mga fans, umamin na at ipagsigawan ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

The post Julia umaming ‘taken’ na; ‘foreigner’ at mas matanda ang bagong dyowa appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments