Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Janine matagal nang gustong ma-experience ang maging Kapamilya: Parang panaginip talaga

PARANG nananaginip pa rin si Janine Gutierrez nang humarap sa madlang pipol kaninang tanghali para sa kauna-unahan niyang paglabas sa Sunday noontime show ng ABS-CBN na “ASAP Natin ‘To”.

Isang bonggang welcome party ang inihanda ng buong production para sa dating Kapuso star kung saan nag-perform ang dalaga kasama ang mga OPM legend na sina Martin Nievera, Gary Valenciano at Ogie Alcasid with the classic hit “Panaginip.”

Mensahe ni Janine pagkatapos kumanta, “I am so happy to be here with all of you. Thank you so much for the warm Kapamilya welcome.

“I am so grateful and honored na kayo pa ang kasama ko dito sa first time ko sa ASAP stage. Thank you so much,” aniya pa.

“This is the first time I’ve been inside a studio here. Surreal, parang panaginip talaga. I am just so happy that everything has fallen into place. It’s a new year, new opportunities,” dagdag ng award-winning actress.

Pag-amin pa niya, “I’ve always been excited to know what it’s like to be a Kapamilya and I’m so thankful to ABS-CBN for giving me this opportunity. Gusto ko talagang mae-experience ang pagiging isang Kapamilya.”

“It’s a new year, a new house, new challenges, and new opportunities, and I’m so grateful for this opportunity at sa pag-welcome niyo sa akin bilang Kapamilya,” diin pa niya.

Sinorpresa rin si Janine ng kanyang “ASAP” family sa pamamagitan ng video messages mula sa mga magulang at iba pang kapamilya.

Pagbati ng lola niyang si Pilita Corrales, “Congratulations Janine. I know that you will be very happy in your new home and I hope all the projects that you will do, you will do just as well as when you won best actress for a movie. I am so proud of you.”

“Hi, Ate. Congratulations on your new journey bilang isang Kapamilya. Excited ako, I’m sure excited ka rin sa mga proyektong gagawin mo sa kanila.

“I just want you to know that we are all very proud of you. We are all very happy for you. Keep up the good work. I love you,” ang mensahe naman ng amang si Ramon Christophee.

Ito naman ang sey ng inang si Lotlot de Leon, “Hi anak. Congratulations! Kapamilya na siya. Alam ko anak, nararamdaman ko na sobrang happy ka. I know also na aalagaan ka nila diyan at talagang mamahalin.

“I am really super proud of you sa lahat ng mga accomplishments mo. Huwag kang makakalimot sa Panginoon sa lahat ng oras. Ngayong Kapamilya ka na, alam ko lahat ng mga pangarap mo matutupad sa tulong nila,” dagdag ng aktres.

Hindi rin nagpahuli sa pagbati ang lolo niyang si Christopher de Leon,  “Just remember to thank God for the talent He has given you. Work hard with humility. Basta enjoy, have fun but take care always. We love you.”

Bukod sa pagiging host ng “ASAP”, gagawa rin ng teleserye at pelikula si Janine sa ABS-CBN at Star Cinema.

Samantala, espesyal din ang episode kanina ng “ASAP Natin ‘To” dahil ito rin ang unang araw na napanood ang programa sa TV5 matapos magsanib-pwersa ang Kapamilya at Kapatid network.

The post Janine matagal nang gustong ma-experience ang maging Kapamilya: Parang panaginip talaga appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments