Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Alex, Mikee nag-honeymoon sa Amanpulo kasama ang buong pamilya; nagpasalamat sa YT subscribers

SA halip daw na “honeymoon”, naging “familymoon” ang pagbabakasyon ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada sa Amanpulo kamakailan.

Ilang araw matapos ang kanilang simpleng wedding, lumipad patungong Amanpulo ang bagong kasal kasama ang kanyang parents, with her sister Toni, ang asawa nitong si Paul Soriano at anak nilang si Seve.

Apat na araw ding nag-bonding ang pamilya Gonzaga sa sosyaling resort na tinawag nga ni Alex na “familymoon” kung saan in-enjoy talaga ang white sand beach at ang masasarap na pagkain doon.

“Sa totoo lang dahil hindi naman kami mahilig sa beach ni Mikee, hindi ito magiging super sayang experience without mommy at daddy kasama si Seve.

“Thank you Lord for this wonderful trip for me and my parents and of course my husband,” pahayag ni Alex sa bago niyang vlog.

Nag-dinner by the beach naman ang buong pamilya courtesy of Direk Paul kung saan nagsayaw pa sina Alex at Mikee with Shania Twain’s hit “You’re Still the One.”

Sa isang bahagi ng video, ibinandera ni Alex na grabe ang kaligayahang nararamdaman niya dahil pwede nang sumama si Mikee sa mga family vacation.

“Dati pinapangarap ko lang talaga makasama si Mikee sa family vacation namin.

“Kaya right after our wedding, I planned this family trip dahil papayag na sila mommy dahil kasal na kami,” pahayag ng TV host-actress at vlogger.

Nagpasalamat din siya sa kanyang mga YouTube subscribers, “I am sharing this to all of you netizens. Because of your support, I was able to bring my whole family here in Amanpulo.

“Thank you for all the love and for joining me in this journey. Love you all from the Gonzagas, Sorianos and Moradas,” aniya pa.

Ikinasal sina Alex at Mikee noong November, 2020 sa mismong bahay nila sa Taytay, Rizal na dinaluhan ng kanilang respective families.

Kung wala nang magiging problema, magkakaroon daw ng mas bonggang wedding this year ang mag-asawa para makapunta naman ang ilan sa kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan.

The post Alex, Mikee nag-honeymoon sa Amanpulo kasama ang buong pamilya; nagpasalamat sa YT subscribers appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments