Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Janine gumawa ng pelikula sa kasagsagan ng pandemya para maraming makabalik sa trabaho

MARAMI nang nasasabik na muling makapanood ng pelikula sa mga sinehan pagkatapos ng halos isang taon dahil sa COVID-19 pandemic kaya sakto ang pagbubukas ng pelikulang “Dito at Doon” nina JC Santos at Janine Gutierrez sa Marso.

Base sa nabasa naming komento sa TBA Studios YouTube channel ay pawang positibo ang pahayag ng mga nakapanood nito at nagsabing inaabangan na nila ang pelikula.

“Another masterpiece of Direk JP Habac,” ang isa sa naunang nabasa namin na fan pala ng nasabing director. Hanggang ngayon kasi ay bukambibig pa rin ang kanyang “I’m Drunk, I Love You” nina Paulo Avelino at Maja Salvador na ipinalabas noong 2017.

Kung hindi nga raw sa pandemya ayon kay direk JP ay nagawa na sana ang prequel ng “I’m Drunk, I Love You.”

Going back to “Dito at Doon”, marami ang natuwa na nasa Kapamilya network na si Janine na dapat sana ay noon pa raw nangyari dahil doon daw nababagay ang dalaga.

Parang ang harsh naman ng “doon siya nababagay”? Nasa GMA 7 pa lang naman si Janine nang makatanggap siya ng best actress awards sa iba’t ibang award giving body para sa pelikula niyang “Babae at Baril.”

Say ni @kapitan Meroy, “Ngayon ko napatunayan na hindi bulok ang artista sa 7, ang directing lang talaga.”

Umayon naman dito si @davebautista, “Magagaling artist ng GMA7.”

Sabi ni @Cinephile, “Well, she is no longer a Kapuso actress which means she will have more projects.”

Ang punto ng mga komentong ito ay magagaling ang mga artista ng GMA 7 kaya nakakatawid sila sa ABS-CBN o kaya sa Star Cinema.

Pili nga lang ang mga inaalok tulad nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Richard Gutierrez, Isabelle Daza, Solenn Heussaff, Benjamin Alves, Rhian Ramos, Dennis Trillo at Alden Richards.

Sila ang mga nakagawa na ng pelikula under Star Cinema na idinirek ng mga box-office directors tulad nina Cathy Garcia-Molina, Mae Cruz-Alviar, Olive “Inang” Lamasan at iba pa.

Napansin din ng mga nakapanood ng teaser ng “Dito at Doon” ang theme song na ginamit, siyempre you can never go wrong with Ben&Ben sa awitin nilang “Nakikinig Ka Ba Sa Akin?”. Ni-release ito noong Hulyo, 2020 sa kasagsagan ng pandemya.

Bumagay ang lyrics ng “Nakikinig Ka Ba Sa Akin?” dahil tungkol ito sa nabuong pag-ibig nina JC at Janine sa panahon ng quarantine na sinyut habang may pandemic at natapos naman nila ito nang maayos through new normal shooting.

Sa “TV Patrol” interview ni MJ Felipe kina JC at Janine para sa promo shoot ng “Dito at Doon”, sinabi ng una na, “Tinakel namin kung ano ‘yung puwedeng mabuong relationship sa panahon ng pandemya, na lahat ng tao ay hina-hide ang emosyon, ang karakter ko rito ay delivery boy.”

Sey naman ni Janine, “Ako naman ay very maprinsipyo, ma-tweet ng kung anu-anong nararamdaman niya tungkol sa mga bagay-bagay sa Pilipinas (hmmm, true to life?) at meron siyang nakaaway.”

Pawang may hugot ang kuwento ng mga nagawang pelikula ni JC at bago ito para kay Janine kaya aminado silang bagong experience para sa kanila ang pelikula.

At dahil pandemya at maraming nawalan ng trabaho kaya tinanggap ni Janine ang pelikula, “Masaya ako na nabigyan ng mga trabaho ang mga artista, ‘yung crew and staff kasi matagal bago naka-adjust ang entertainment industry.”

Anyway, bukod kina JC at Janine ay kasama rin sa movie sina Victor Anastacio (ng O Shopping), Yesh Burce at Lotlot de Leon mula sa panulat nina Alex Gonzales at Kristin Barrameda at sa direksyon ni JP Havac produced ng TBA Studios.

The post Janine gumawa ng pelikula sa kasagsagan ng pandemya para maraming makabalik sa trabaho appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments