Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Iwa Moto nanganak na ika-2 baby nila ni Pampi Lacson: What a beautiful blessing!

NANGANAK na rin ang hindi na aktibong aktres na si Iwa Moto sa ikalawang baby nila ni Panfilo “Pampi” Lacson, Jr.

Ibinahagi ng mag-partner sa kanilang Instagram account ang mga litrato ng bagong silang na sanggol na pinangalanan nilang Caleb Jiro Iwamoto Lacson.

Sa mga IG photos na ipinost ni Iwa, makikita si Baby Caleb or CJ habang kalong ng kanyang mommy at may caption na, “Lo and behold, here comes the newest addition to our growing family. Our new bundle of joy — our little boy who will be filling our hearts and lives with love and happiness from this day forward!

“What a beautiful blessing on the 21st day of the 21st year of the 21st century,” simulang pahayag ng dating Kapuso star.

Patuloy pa niya, “My heart is overflowing with love and joy the first time I held you in my arms. Our son, baby CJ, yours, and Ate Mimi’s first day in life are the best days of mine!

“I could not explain the outpouring happiness that I am feeling right now. I am so blessed to have you, Ate Mimi, Kuya Muy, and Daddy Pampi and I could not ask for more!” sabi pa ni Iwa.

Inamin din niya na hindi rin naging madali ang kanyang pagbubuntis lalo pa’t patuloy pa rin ang banta ng pandemya.

Sey ni Iwa, hindi pa nga raw oras para lumabas ang sanggol mula sa kanyang sinapupunan.

“My pregnancy wasn’t easy — in fact, it is still not time for him to come out just yet, but I guess baby CJ is so excited to see and conquer the outside world. Such a warrior just like me, isn’t he?” anang aktres.

Sa IG page naman ni Pampi makikita ang photo collage ng bagong silang nilang baby at ang litrato ng kanyang mga kapatid noong sanggol pa ang mga ito.

“Welcome to the World Caleb Jiro. Always remember that kuya Muy-Muy and ate Mimi loves you,” ang caption ni Pampi sa kanyang IG post.

Maraming bumati sa pagsilang ni Baby Caleb isa na riyan ang dating asawa ni Pampi na si Jodi Sta. Maria at ina ng panganay niyang si Thirdy. “Growing family!” sey ni Jodi sa comment section ng post ni Pampi.

Kung matatandaan, in-announce nina Iwa at Pampi noong July, 2020 na magkakaroon uli sila ng baby.

The post Iwa Moto nanganak na ika-2 baby nila ni Pampi Lacson: What a beautiful blessing! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments