Palaisipan sa publiko kung bakit “no post yet” ang nakalagay sa Instagram account ni Kris Aquino na may 4.7 milyong followers nitong madaling araw ng Sabado.
Ang mga nakita naming natirang account ay krisaquinoworld, livelifewithkris, krisaquinolovers, krisaquinoglobal at krisaquinoofficial na ginawa ng supporters niya.
Sinubukan naming magtanong sa mga taong malapit kay Kris pero wala kaming nakuhang sagot.
Pero ang Facebook page niyang Kris Aquino na synchronized sa IG account niya ay activated naman at ang huling post niya ay noong Enero 6 kung saan ikinuwento niya na nagpapalakas siya ng autoimmune system dahil “may pinaghahandaan.”
“I’ll point it out, my left eyeball is much bigger & protrudes more visibly than my right, that’s an indication my autoimmune thyroiditis is acting up I can’t do vigorous exercises but I read up on a few breathing & morning meditations I can try while working myself up to going back to a regular yoga practice.
“Yes, #maypinaghahandaan.”
Hmm, duda namin ay na-hack ito dahil imposibleng i-delete ito ni Kris dahil dito nga niya pino-post lahat ng ini-endorso niyang produkto.
Habang sinusulat namin ito ay muli naming binalikan ang IG account ni Kris at hayun, bumalik na. Baka na-check na ng staff kasi ipinaalam namin ito.
The post Instagram ni Kris na-hack kaya? appeared first on Bandera.
0 Comments