Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Bahay ni Xian Lim pinasok ng magnanakaw; TV, computer at iba pang gamit nilimas

Nanlulumo ang aktor na si Xian Lim dahil napasok ng magnanakaw ang bahay nila sa isang eksklusibong subdibisyon sa Antipolo City nitong Huwebes.

“The other day, I came home and witnessed a nightmare. I saw that a couple windows were shattered, metal grills hammered and filled down,” wika ni Xian sa kanyang post sa Instagram nitong Biyernes ng gabi.

“Pag bukas ko ng pintuan, they left a piece of cloth in the front door (I guess to let me know that the place was robbed prior to entering? I’m not really sure). I looked around and saw that all the TVs and computer are gone,” pagpapatuloy pa ng aktor.

Ipinakita rin niya ang larawan ng dalawang dos por dos na may nakausling pako na sa tingin niya ay ginamit para basagin ang bintana at madistrungka ang seradura ng pinto ng kanyang bahay. O maaari din aniyang nakahandang pamalo ito sakaling magkakaroon ng aberya.

Mga apat umanong tao ng pwersahang pumasok sa kanyang bahay pero hindi niya sinabi kung ano ang basehan niya sa bilang na ito. Naiulat na niya ang insidente sa pulisya.

Nagpapasalamat na rin siya umano na walang nasaktan sa kanyang mga mahal sa buhay.

“At first, there was nothing but fear and hatred running through my me. I feared for my life, my mom, lola and lolo as time passed by, I became grateful that no one was hurt,” pagpapatuloy ni Xian.

At bagama’t ramdam ang galit sa puso ni Xian, nagawa pa rin niyang magbilin sa mga nagnakaw sa bahay niya.

“At this point, I hope na kung sino man ang nanghimasok at nagnakaw ng mga kagamitan dito sa amin ay magamit niyo ang perang yan para mapakain ng husto ang pamilya niyo. Diyos na ang bahala sa inyo,” wika niya.

Inamin niya na sa simula ay nagdalawang-isip siya kung dapat pa ba niyang ipaalam sa mga followers ang insidente.

“I still don’t know if this would be a right decision but I feel that it is my duty and obligation to let my followers know what it is I’ve gone through or what is currently happening and hopefully, maybe we can learn a thing or two from the decisions made and moments experienced,” wika niya.
.
“Keep safe everyone. ‘It is only in our darkest hours that we may discover the true strength of the brilliant light within ourselves that can never, ever, be dimmed’.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

The post Bahay ni Xian Lim pinasok ng magnanakaw; TV, computer at iba pang gamit nilimas appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments