Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Heart Evangelista bumandera sa billboard ng Times Square sa New York

Proud na proud na ibinida ni Heart Evangelista ang billboard ad na kinatatampukan niya sa Times Square sa New York.

“I still can’t believe that my billboard for @iasthreads is displayed in Times Square in New York!” wika ni Heart sa kanyang Instagram story.

May hawak na clutch bag si Heart na gawa ng Ia’s Threads, isang sustainable at philanthropic driven brand na kilala sa kanyang mga luxury bag at minaudière. Ang kanilang mga produkto ay nagmumula sa mga maliliit na komunidad sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

“I’m so grateful for such an incredible opportunity to highlight a sustainable brand that shows the talented craftsmanship of Filipino artisans. God is truly good! 🙏✨,” wika pa ni Heart.

Noong 2019, kinilala si Heart ng Forbes France bilang isa sa mga top luxury influencers sa mundo. Noong taon ding iyon, hinirang ang aktres bilang “Vogue 100,” ang listahan ng US-based magazine ng mga tao sa fashion world na naging matagumpay sa kanilang larangan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

The post Heart Evangelista bumandera sa billboard ng Times Square sa New York appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments