Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Dimples magkakaroon ng sariling resto business sa Singapore

ANG bongga-bongga talaga ni Dimples Romana! Imagine, magkakaroon na siya ng sariling restaurant sa Singapore!

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang award-winning actress na magkakaroon na sila ng asawang si Boyet Ahmee ng resto business sa ibang bansa.

Aniya, maswerte silang nakahanap ng magiging business partners para maisakatuparan ang isa na namang bonggang project na ito ngayong Bagong Taon.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Dimples ng ilan sa mga pagkaing ihahain nila sa kanilang mga magiging customer.

Aniya, mga “non-traditional Latin-Asian plates” ang dapat abangan sa ipinatatayo nilang restaurant sa Singapore na tatawaging “Alegria Singapura.”

Under construction na ito ngayon na matatagpuan sa Teck Lim Road at nakatakda nang magbukas anytime this year.

“Never in our wildest dreams did we ever imagine @boyetahmee and I will have a business venture outside of the Philippines and a posh restaurant in Singapore at that,” ani Dimples sa caption ng kanyang Instagram photo.

“@alegriasgp is now on [the] construction phase and will hopefully open end of the first quarter of 2021! We are so blessed to have found the best partners,” aniya pa.

Sey pa ng aktres, ang taong 2021, “is all about going international.” At tutuparin niya ang matagal na niyang pangarap na maipagmalaki sa buong mundo ang pagkain at kultura ng mga Filipino.

Sa lahat naman ng mga gusto ring magkaroon ng sariling negosyo ito lang ang maipapayo ni Dimples, “When you decide to become an entrepreneur, first you must find people who share the same vision as you do.”

The post Dimples magkakaroon ng sariling resto business sa Singapore appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments