Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Diego nangakong poprotektahan ang 3 kapatid na babae: Pero ayokong maging kuya na…

NAG-PROMISE si Diego Loyzaga na poprotektahan niya nang bonggang-bongga ang mga kapatid niya sa ama na sina Angelina, Sam at Chesca Cruz.

Ang tatlong dalaga ay anak ni Sunshine Cruz kay Cesar Montano habang anak naman ni Buboy si Diego sa aktres ding si Teresa Loyzaga.

Super happy and proud ang hunk actor sa kanyang mga half-sister dahil may kanya-kanya na ring career ang mga ito. Gumagawa na rin kasi ngayon ng sariling pangalan sa showbiz sina Angelina at Sam.

“Si Angelina, ang dami nang na-release na mga kanta, tapos si Sam hilig din niya mag-artista, talagang gusto rin niyang maging actress. Meron siyang sinu-shoot ngayon and nakikita ko mga post niya. Natutuwa ako sa kanya.

“And may mga friends siya na artista din na kakilala ko rin, so natutuwa ako that they’re also part of the showbiz world,” pahayag ni Diego sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay.”

Ayon naman kay Teresa, talagang kinakarir ni Diego ang pagiging kuya sa mga kapatid, lalo pa’t pawang mga babae ang mga ito. Palagi nga raw sinasabi ng binata na ang bilis-bilis ng panahon dahil ang lalaki na ng mga anak ni Sunshine.

“Sabi niya sa akin, ‘Mom, they’re growing up so fast. They’re growing up so fast!'” sey ng aktres. Singit naman ni Diego, “Feeling old already kapag nakikita ko mga post nila.”

Sa tanong kung naging mas protective ba siya ngayong nasa showbiz na rin ang dalawa niyang kapatid, “Oo, sobra! Pero, siyempre hindi ko naman sila mapigilan, ‘no? Puwede ko lang gawin, payuhan ko sila, and may kanya-kanyang buhay din naman sila, e.

“If I can give advice, if it helps them, okay. Ayoko rin maging kuya na parang, ‘Don’t do this, don’t do that.’ Mali rin naman iyon, mali rin naman iyon.

“And nakikita ko naman nag-e-enjoy sila, and they know what’s right and what’s wrong. I trust them,” paliwanag ng boyfriend ni Barbie Imperial.

Singit namang pahayag ni Teresa, “And they have a good mother that gives them good advice.”

Samantala, happy din si Teresa na okay na okay ang relasyon nila ni Sunshine tulad ng kanilang mga anak, “Alam mo when they’re together, kami ni Shine nakaupo lang… sabi niya, ‘Tignan mo mga anak natin.’ Sabi ko, ‘Oo nga.’

“Would you have thought that this day was going to happen? Na we just sit here and watch our children and ito na, grown up na, malalaki na sila. Tingnan mo sila, they have their own world. And how nice to see that,” sabi pa ng mommy ni Diego.

The post Diego nangakong poprotektahan ang 3 kapatid na babae: Pero ayokong maging kuya na… appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments