Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Daniel sa pakikipagrelasyon: Hindi puwedeng pataasan ng ihi, hindi pwedeng paligsahan kayo

NAPAKARAMING natutunan ni Daniel Padilla sa huling project nila ni Kathryn Bernardo na “The House Arrest of Us” kung saan gumanap sila bilang engaged couple.

Bukod sa nag-enjoy daw talaga sila sa lock-in taping ni Kath, mas lumawak pa ang pananaw niya tungkol sa pakikipagrelasyon at sa iba pang aspeto ng buhay at pamilya.

“Hindi biro ang pagpasok sa isang kasal or marriage dapat buung-buo ka. At dapat bilang tao dapat handa ka. Hindi na lang sa inyong dalawa iikot ang mundo kasi kasama na ang pamilya niyo.

“I think hindi naman siya negative. It’s very exciting na panahon sa buhay natin kapag dumating tayo sa pagkakataon na yun.

“Ang importante lang ay dapat tayo ay handa mentally, physically, at emotionally,” pahayag ni Daniel sa panayam ng ABS-CBN.

Aniya pa, sa ilang taon na nilang pagsasama ni Kathryn bilang magka-loveteam at bilang real life couple, mas lumalim at mas tumibay pa ang kanilang relasyon.

“After almost 11 years yung pagsasama namin parang tantyado na namin yung isa’t isa, eh. Kasi bawat galaw namin alam na namin. Konting ano lang ng mata nito alam ko kung may sakit ito or natatakot ito, alam mo yun,” paliwanag ni DJ.

Nagbigay din ng payo ang Kapamilya actor sa lahat ng young couples para s pagbalanse ng mga bagay-bagay sa kanilang relasyon at kung paano mas mapapatatag ang pagsasama.

“Siguro yung tamang balanse lang, yung compromise ng isang relasyon. Yung pagbibigay ng oras sa kanya, pagkakaintindihan. Hindi puwedeng pataasan ng ihi, hindi puwedeng ganu’n.

“Hindi puwedeng pagalingan kayo. Dapat kayo ay nagtutulungan. Dapat sabay kayong natututo. Kasi ganu’n yung sa akin. Hindi puwedeng paligsahan ang isang relasyon,” esplika ng aktor.

Samantala, game naman si DJ na magkaroon ng season 2 ang “The House Arrest of Us”, “Sarap ulitin kasi siyempre good company. Yung cast namin napakasaya nung bonding namin.

“Kahit yung mga staff namin, yung mga crew namin, matatagal na namin kasama so why not hindi ulitin, kahit isa pang beses. At saka marami pa kami sanang puwede gawin.

“Dati pinag-uusapan pa lang n yung gagawin natin show for pandemic tapos finale na. Napakabilis ng mga bagay ngayon kaya don’t take it for granted,” chika pa ng boyfriend ni Kath.

The post Daniel sa pakikipagrelasyon: Hindi puwedeng pataasan ng ihi, hindi pwedeng paligsahan kayo appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments