“YUNG kilig ko abot hanggang moon!” Yan ang naibulalas ng award-winning actress na si Judy Ann Santos nang purihin ng kanyang mentor na si chef Gene Gonzalez.
Isa si Juday sa mga kilalang celebrities na talagang kinakarir ang pagiging chef kasabay ng pagiging hands on owner sa restaurant business nila ng asawang si Ryan Agoncillo.
Bukod sa kanilang Angry Adobo resto may pizza parlor na rin ang Kapamilya actress-TV host kaya habang wala pang masyadong projects sa showbiz, dito muna nakatutok si Juday.
At nito ngang nakaraang weekend, ibinandera ng misis ni Ryan ang kaligayahang naramdaman nang matanggap ang “review” ng kanyang mentor sa kusina na si chef Gene na matapos matikman ang mga original dishes na ginawa niya.
Puring-puri ng Presidente ng Center for Asian Culinary Studies & Cafe Ysabel, Inc. ang niluto ni Juday na lugaw with adobo sauce, Kaldedobo, tokwa’t dobo at ang Chocnut sansrival.
Ni-repost ni sa kanyang Instagram page ang IG Stories ni Chef Gene na tinawag niyang “my Dumbledore” at nilagyan ng caption na, “Yung kilig ko abot hanggang moon!”
Mensahe pa ni Juday, “I CANNOT!!! Waaahhhh!! Oh wow! That happy, unbelievable feeling when your professor gives his honest review over the dishes you made!
“Gusto kong mahimatay! Pero mas gusto kong namnamin ang saya at pagod at the same time! Every bit of time and effort we put for angrydobo is purely #madefromlove.
“@chefgenegonzalez from the bottom of my heart… I will forever be grateful for the knowledge, encouragement, and faith you have given me,” sey pa ng actress-chef.
Unang nag-enroll sa culinary school si Juday noong 2006. Ginawa niya ito para magsilbing “good example” sa panganay niyang anak na si Yohan bilang isang estudyante.
Kasunod nito, kinarir na niya ang pag-aaral ng culinary sa Center for Asian Culinary Studies sa San Juan kung saan siya gumradweyt with honors.
The post 3 adobo recipe ni Juday pasadung-pasado kay Chef Gene: Gusto kong mahimatay! appeared first on Bandera.
0 Comments