FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon na mawawala na ang “Lunch Out Loud” o “Tropang LOL” sa TV5 dahil binawi na ng management ang timeslot na 11AM dahil ipapasok ang nagbabalik na “Face to Face” program.
Bukod sa ibinalita ito ni Ogie Diaz sa YouTube channel niyang “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Ate Mrena na in-upload kahapon, Huwebes ay may nakausap din kaming taga-Kapatid network na plano namang ilipat ng timeslot ang LOL, ang kaso mas maikli na ang oras.
Samantala, trulili kayang nakikipag-negotiate ang Brightlight Productions na pag-aari ng kasalukuyang Bacolod Mayor na si Albee Benitez sa Eagle Broadcasting Corporation para umere ito sa NET25?
Sabagay, posibleng kagatin ng EBC ang LOL dahil may followings na ito at matagal na ring gustong magkaroon ng noontime show ang NET25.
Dati naman kasing mayroon ‘yung Happy Time na nagsimula noong 2020 pero umabot lang sa 147 episodes dahil nagkaroon ng problema ang mga host na sina Janno Gibbs at Kitkat Favia na humantong sa pagbibitiw ng TV host/comedienne.
Baka Bet Mo: ‘LOL’ nina Billy at Alex sa TV5 tinatalo sa ratings game ang ‘Showtime’ nina Vice
Going back to “Tropang LOL” ay sana nga magkaayos ang Brightlight Production management at ang Eagle Broadcasting Corporation para tuloy pa rin ang trabaho ng mga taga-Lunch Out Loud na binigyan ng work ni Mayor Albee dahil karamihan sa kanila ay galing sa ABS-CBN na nawalan ng trabaho ng magsara ito.
Anyway, trulili kayang sitcom o series ang ipapalit sa timeslot na iibibigay ng TV5 sa Brightlight Productions?
Abangan ang susunod na balita.
View this post on Instagram
Related Chika:
Noontime show sa TV5 na ‘LOL’ tatapusin na, ipapalit daw ang ‘Face To Face’ ni Karla Estrada?
Ano nga ba ang rason ng pagre-resign ni Alex Gonzaga sa ‘Lunch Out Loud’?
The post ‘Tropang LOL’ ililipat ng timeslot, nakikipagnegosasyon nga ba sa NET25? appeared first on Bandera.
0 Comments