Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Team Kramer may bagong miyembro ng pamilya: ‘We named her Adeline!’

Team Kramer may bagong miyembro ng pamilya: 'We named her Adeline!'

PHOTO: Screengrab from Team Kramer’s YouTube

MAINIT na sinalubong ng Team Kramer ang pinakabago nilang miyembro ng pamilya.

Ito ay isang giant poodle na pinangalanang Adeline!

Ibinandera pa mismo sa latest YouTube vlog ng Team Kramer ang pagdating ng bago nilang pet dog at kitang-kita ang pagkatuwa ng pamilya.

Sa umpisa ng video, makikitang super excited ang lalaking anak nina Doug at Chesca na si Gavin at tila tumatalon-talon pa habang nag-aabang sa pintuan.

Makaraan ang ilang minuto ay dumating na nga si Chesca at ang dalawang babaeng anak na sina Kendra at Scarlett na dala-dala si Adeline.

Kwento pa ni Doug, “So we named her Adeline because it is Irish and it’s so fitting because we’re all half Irish here. And she’s gonna become really, really big.”

Baka Bet Mo: Kendra Kramer muling nagpasabog ng ganda sa socmed, pang-Miss U ang aura: ‘Grabeng mukha yan, Walang kapintasan!’

“She’s only three months. It’s not good to, like, make the dogs mingle yet,” payo pa niya sa mga manonood.

Chika pa ng dating basketball player, “Her parents are actually Dr. Aivee’s dogs so if you look at Dr. Aivee online the big dogs they have, that’s the parents.”

“And JC Intal, my bestfriend. He also has one of the kids of Dr. Aivee’s dogs and that’s technically the sibling,” dagdag pa niya.

Nabanggit din ni Doug sa video ang dahilan kung bakit poodle ang gusting-gusto nilang alagaan.

“Oh by the way, the reason why we love poodles is because they are ‘hypoallergenic.’ There is no hypoallergenic dog, but technically, they are the closest one,” paliwanag niya.

Sa kasalukuyan, tatlo na ang furbaby ng Team Kramer.

Mayroon silang dalawang toy poodles na sina Tinkie at Coco na alaga mismo ni Scarlett.

Related Chika:

Kendra Kramer hindi pa feel mag-join sa beauty contest; gustong maging model, doktor, atleta at negosyante

The post Team Kramer may bagong miyembro ng pamilya: ‘We named her Adeline!’ appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments