NAMAYAPA na ang emerging teen actor na si Andrei Sison nitong Biyernes ng umaga, March 24.
Ayon sa statement na inilabas ng Sparkle GMA Artist Center ngayong araw, car accident ang naging dahilan ng pagpanaw ng binata.
Nagpaabot naman ng kanilang pakikiramay ang Sparkle, ang talent management na nagha-handle sa career ni Andrei sa pamilyang naulila nito.
Nakiusap rin ang talent management na sana’y respetuhin ang pagdadalamhati at ang privacy ng pamilyang naiwan ng teen actor sa murang edad.
Ngayong darating na buwan sana ay kasama si Andrei sa mga ilo-launch sa Sparkle Teens ngunit sa kasamaang palad ay naaksidente ito.
Baka Bet Mo: 8 Kapuso celebs napili bilang banner stars ng Sparkle; handa nang sumabak sa mga hamon ni Mr. M
Narito ang buong official statement ng Sparkle ukol sa maagang pagpanaw ng kanilang artistang si Andrei Sison:
“Sparkle GMA Artist Center sadly announces the passing of one of its teen artists Andrei Sison, due to a car accident early this morning.
“Our sincere condolences to the family and loved ones of Andrei. We request everyone to respect his family’s privacy in this time of great loss and join us in praying for the eternal repose of his soul.
“He was a well-loved and much cherished member of the Sparkle family.
“We will miss you, Andrei. Be with God now.”
View this post on Instagram
Related Chika:
Veteran sports broadcaster Boyet Sison pumanaw sa edad na 58
The post Sparkle artist Andrei Sison naaksidente, pumanaw sa edad na 16 appeared first on Bandera.
0 Comments