PINANGANGAMBAHAN ng marine experts ang patuloy na pagkalat ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, sampung bayan na ang apektado ng oil spill matapos lumubog ang oil tanker na MT Princess Empress sa karagatan ng Naujan noong February 28.
Ang nasabing oil tanker ay may dalang 800,000 na litro ng langis.
Dahil sa nangyari, nagbabala ang Marine Science Institute (MSI) na posibleng malagay sa panganib ang mahigit 24,000 na ektarya ng coral reef.
Ang apektadong lugar ay magmumula sa Bulalacao, Oriental Mindoro hanggang San Jose, Occidental Mindoro.
Upang matugunan ang magiging epekto ng tumagas na langis, nagtulungan na ang ilang ahensya ng gobyerno at marine experts mula sa iba’t-ibang institusyon.
Kabilang na riyan ang University of the Philippines-Diliman College of Science Marine Science Institute (UPD-CS MSI), University of the Philippines-Visayas (UPV), Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (MSU-IIT), pati na rin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Philippine Coast Guard (PCG).
Samantala, nagdeklara na ng “state of calamity” ang bayan ng Pola na apektado rin ng oil spill.
Ayon pa sa datos ng DENR, mahigit 590 na ektarya ng “marine protected areas” sa nasabing bayan ay maaaring masira ng oil spill.
Nitong March 3, nagbabala ang Oriental Mindoro Provincial Health Office (PHO) sa mga apektadong residente sa posibleng panganib sa kalusugan sakaling ma-expose sa kontaminadong tubig-dagat.
Read more:
The post Oil spill sa Oriental Mindoro patuloy na kumakalat, 24k ektarya ng coral reef ‘nanganganib’ appeared first on Bandera.
0 Comments