Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kris Bernal idinaan sa cute posters ang pregnancy announcement, super naa-appreciate ang asawa

Kris Bernal idinaan sa cute posters ang pregnancy announcement, super naa-appreciate ang asawa
ALIW na aliw ang mga netizens dahil sa napaka-cute na poster ng aktres na si Kris Bernal at asawa nitong si Perry Choi nang ianunsyo nila ang kanyang pagbubuntis.

Sa kanyang Instagram account ay sunud-sunod ang naging post ng aktres na cute posters patungkol sa bagong journey na tatahakin nilang mag-asawa.

“WE ARE PREGNANT!” masayang saad ni Kris.

Kuwento niya, nangyari ang lahat kahit hindi pa nila talaga sinusubukan na bumuo ng pamilya ngunit mapalad sila dahil pinagkalooban sila ng biyaya ng Panginoon.

“I can still remember I’ve felt a rush of different emotions when the test showed two lines. I already had suspicion weeks prior to finding out the good news but I was able to confirm it when something happened,” pag-alala ni Kris.

Mukhang sa vlog niya na ia-upload sa Linggo, March 5, malalaman ang buong kwento nang malaman niyang magiging mommy na siya.

Sa hiwalay na post ay ibinahagi naman ni Kris ang mga nararamdamang morning sickness habang ipinagbubuntis ang kanilang little one.

“So, this is what morning sickness feels like. I’ve been trying to mimic or portray this kind of feeling in some of my tv roles/scenes! And, it was waaaaay different!! Bad acting, KB! Lol!

“I haven’t experienced anything like this before and I feel like a stranger in my own body. Is it really like this momSHEs? It’s a miracle that I was able to keep up appearances at work and with friends without anyone knowing what was going on! Good acting, KB!” chika pa ni Kris.

Base sa kanilang posters ay sa August 2023 nakatakdang manganak ang aktres.

Marami naman sa mga netizens at kasamahan ni Kris sa industriya ang nagpaabot ng kanilang congratulatory messages.

“Congratulations Mare!!!!!!!! Wohooooo,” comment ni Vaness del Moral

Sey naman ni Carla Abellana, “Congratulations, Kris!!!”

Nagkomento rin sina Sef Cadayona, Rocco Nacino, Arci Muñoz, Rodjun Cruz, Yasmien Kurdi, Dani Barretto, at Rochelle Pangilinan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

Labis rin ang pasasalamat ng aktres sa kanyang asawang si Perry na talagang inalagaan siya at very hands on sa journey ng kanyang pagbubuntis.

“I just want to shift the spotlight to Perry, who has been very hands on in taking care of me. He put up with all my crazy mood swings, reminds me of the dos and don’ts of my doctor, makes sure I take my medicines on time, and the list goes on! Tama na!! Emotional ako ngayon! Naiiyak ako just thinking about it!” lahad ni Kris.

Pinuri rin niya ang asawa at sinabing paniguradong magiging mabuting ama ito sa kanilang magiging anak.

“Perry, you have what it takes to welcome parenthood! You’ll def nail this whole dad thing!” sey pa ni Kris.

Ang iba pang detalye patungkol sa bagong chapter ng buhay nilang mag-asawa ay ikukuwento ni Kris sa kanyang YouTube vlog sa darating na Linggo, March 5.

Related Chika:
Kris Bernal sinabihang super arte dahil ayaw ng simpleng kasal: Gusto ko kasi grand lahat!

Kris Bernal ‘hulog ng langit’ ang turing kay Perry Choi: Thank you for giving me my dream wedding…

Payo ni Kris kay Aljur: Ask for God’s guidance kung saan ka dapat at ano ang para sa iyo…

Kris Bernal umiyak nang bongga nang ma-postpone ang kasal: Pero ang mahalaga tuloy pa rin

The post Kris Bernal idinaan sa cute posters ang pregnancy announcement, super naa-appreciate ang asawa appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments