PURING-PURI ng actress-director na si Bela Padilla ang South Korean actor na si Yoo Min-gon, ang leading man niya sa pelikulang “Yung Libro sa Napanood Ko.”
In fairness, ang galing mag-English ng K-drama actor at nakakaintindi rin siya ng kaunting Tagalog dahil nga medyo matagal-tagal din silang nagkasama ni Bela at ng Filpino production crew ng Viva Films.
Sa naganap na presscon ng “Yung Libro sa Napanood Ko” na isinulat at idinirek din ni Bela at isa sa official entry ng 1st Summer Metro Manila Film Festival, natanong si Min-gon kung bakit fluent siya sa English language.
“Because I live in Canada for 15 years. Actually, my nationality is Canadian, and I am Korean-Canadian and my passport is Canadian,” simulang pagbabahagi ng Korean star.
“After elementary, I went to Canada and lived there and studied. I also worked there for three years. Then I came back to Korea to started acting. I stop using English for about eight or nine years that is why my English is a bit rusty,” dagdag pa niyang chika.
Paano niya ilalarawan si Bela nu’ng una silang magkakilala? “When I first met Bela before we shoot, she had that top star image for me. But she was so nice and if I ask her something, ‘Kindly let me know.’ I find her very nice.”
Baka Bet Mo: Judy Ann Santos, Sam Milby muling magtatambal, bibida sa bagong horror movie
Super thankful din siya kay Bela dahil siya ang napiling maging lead actor sa movie, “I was really happy and grateful. I was waiting for doing a leading role and I was… I know I can do it.”
Pag-amin pa ni Min-gon sa presscon, “I never acted in English.I only acted in Korean films. And I was… there was no word to describe her (Bela), most likely I’m excited a lot.
“I was happy for few months while doing the movie. But after the shoot, I had big sepanx (separation anxiety) and I cried a lot for two months seriously,” aniya pa.
Kumusta naman ang kissing scene nila ni Bela sa movie, “Lovely!” ang tanging nasambit ng Korean actor sabay tawa.
Hirit naman ni Bela, “Ang galing niya pong katrabaho, eh. Sa totoo lang, pag napanood nyo po yung movie ang galing-galing ng performance niya dito.
“Sabi ko nga, sana talaga hindi deterrent na he’s not a Filipino. I hope we look at his performances this MMFF season because he really deserves it po.
“He is amazing in this film and galing din po yan kay Ms. LT. Sobrang galing at sana ay magustuhan n’yo rin po yung work niya,” dagdag papuri ni Bela sa kanyang leading man.
Showing na sa April 8 ang “Yung Libro Sa Napanood Ko” bilang bahagi ng Summer MMFF. Kasama rin sa pelikula ang award-winning actress na si Lorna Tolentino bilang nanay ni Bela.
Jessy iiwan si Luis para kay Gong Yoo: Hihiwalayan kita para sa kanya
True ba, Taylor Swift nakipag-date sa ‘Train To Busan’ actor na si Gong Yoo sa Amerika?
The post Korean actor Yoo Min-gon 2 buwan umiyak pagkatapos ng shooting nila ni Bela Padilla sa Seoul…anyare? appeared first on Bandera.
0 Comments