Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

David Licauco, Dominic Roque super crush ng batambatang CEO; Lala Sotto pasok sa 100 Most Empowered Women of the Year

David Licauco, Dominic Roque super crush ng batambatang CEO; Lala Sotto pasok sa 100 Most Empowered Women of the Year

David Licauco, Cristina Doble, Miss Earth Philippines candidates at Lala Sotto

PINARANGALAN si MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio ng Gawad Pilipino bilang isa sa 100 Most Empowered Women of the Year, sa kategorya ng “Natatanging Pilipina na Nagtatanggol sa Karapatan ng mga Media.”

Ang awarding ceremony ay ginanap noong ika-25 ng Marso sa Lungsod Quezon. Dumalo bilang kinatawan ni MTRCB Chairperson Sotto-Antonio si Kgg. Dr. Dorothy “Doray” Delarmente, Konsehal ng unang distrito ng Lungsod Quezon.

Ang Gawad Pilipino ay kumikilala sa mga kababaihan na nagpamalas ng pagsusumikap na makamit ang “gender equality” sa kanilang mga larangan.

“Malugod po nating tinatanggap ang pagkilalang ibinigay ng Gawad Pilipino.


“Ito ay isang patunay sa dedikasyon ng ating Ahensiya na maprotektahan ang mga manonood, lalo na ang kabataan, mula sa mga palabas na hindi akma sa kanilang edad,” ayon kay MTRCB Chair Sotto-Antonio.

Samantala, natapos na ni Chair Lala at ng kanyang Board ang ikatlong buwan sa kanilang pagse-serbisyo para sa responsableng panonood.

Nagkaroon din sila ng pulong kasama ang bumubuo ng Philippine Cable and Telecommunicarions Association, Inc. (PCTA), “About the challenges that the industry is facing and how we can worm together to address them.”

Ang PCTA ay ang umbrella organization ng nationwide Cable Television Operators and Internet Service Providers in the Philippines.

Its membership roster includes the biggest cable operators in the country, as well as the medium and small cable operators, who, through their painstaking efforts, have succeeded in bringing up-to-date programs, information, and technology to the farthest island in the country.

To date, the PCTA has over 300 regular members, serving 75% of the total cable TV subscribers in the Philippines.

Baka Bet Mo: Mungkahing cable car ni Sen. Robinhood Padilla matagal nang aprub; KSMBPI balak i-merge ang traditional media at vloggers

* * *

Marahil ay nagandahan sa mala-kutis baby ni Dominic Roque ang CEO at owner ng MORPH Aesthetics na si Ma. Cristina Doble dahil ang pangalan ng social media influencer at businessman ang binanggit nito sa tanong namin kung sino ang celebrity crush niya

“Ang cute no’n,” ang maiksing sagot sa amin ni Ms. Cristina, sabay ngiti.

Sabi namin ay “taken” na si Dominic ni Bea Alonzo at soon ay posibleng makarinig na ng marriage proposal kaya muli naming tinanong kung sino pa ang crush ng dalagang CEO.

“Ay, meron, si ano, David Licauco, pero bata pa siya,” sabi agad nito.

Tsinek namin kung ilang taon na ang Kapuso actor, hindi naman pala nagkakalayo ang edad nila ni Cristina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)


Anyway, ang type naman niya sa female celebrities ay sina, “Nadine (Lustre) at Sarah (Geronimo).”

Gusto niya ang dalawa dahil magaling daw sa kanilang respective career bilang premyadong aktres at multi-awarded singer.

Going back to MORPH Aesthetics (dating Glutamorphosis), matatagpuan ito sa Il Terrazzo Mall 3F, Unit T-04 Tomas Morato Avenue, Corner Sct. Madriñan St., ang first branch nito sa Quezon City) dahil karamihan ay nasa Bulacan dahil nga tagaroon si Ms. Cristina.

Ginanap ang re-launching nito noong March 19, Linggo kung saan naging guests niya ang Ms. Earth Philippines 2023 candidates na sina Yllana Aduana ng Siniloan, Laguna; Cea De Jesus ng Taguig City; Naoimi Henave ng Dasmarinas, Cavite; Lasil Relevo ng Balayan, Batangas; at Kerri Reilly ng Mangatarem, Pangasinan.

Samantala, inamin din ng young CEO and owner na sobrang challenge ang magtayo ng ganitong uri ng negosyo, “Before, ang challenge siguro ay magpakilala (clinic) at ngayong kilala na, ang challenges naman ay sobrang dami na ang nagtatayo ng ganitong klase ng business, so, what we do is ‘yung client experience talaga na doon kami talaga nagpo-focus para happy sila at bumalik ulit.”

Anak ni Tito Sen na si Lala Sotto itinalaga ni Bongbong Marcos bilang bagong MTRCB chair

Sophie bigla na lang iiyak dahil kay Baby Avianna: I feel more empowered as a mom now

The post David Licauco, Dominic Roque super crush ng batambatang CEO; Lala Sotto pasok sa 100 Most Empowered Women of the Year appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments