UMABOT ng dalawang taon bago nabawasan ng mahigit 50 pounds ang timbang ng aktres at celebrity mom na si Andi Eigenmann.
Ibinahagi ni Andi sa kanyang Instagram followers kung paano nagsimula ang kanyang fitness journey pati na ang ilang parang ginawa niya para maibalik sa dati ang katawan.
Ayon sa anak ng premyadong aktres na si Jaclyn Jose, hindi naging madali para sa isang nanay na tulad niya ang magpapayat lalo pa’t hands-on siya sa pag-aalaga sa kanyang pamilya.
Kalakip ang kanyang litrato, ibinandera ni Andi na unti-unti na niyang na-achieve ang kanyang ideal weight makalipas ang dalawang taong pagwo-workout at pagda-diet.
“I get a lot of comments saying I lost weight SO FAST, but it actually took me 2 years to lose 60lbs!
“I feel like it seemed like it flew by so quickly because I set a limit and set new goals each time,” ang panimulang mensahe ni Andi sa kanyang IG post.
“This way, it didn’t feel like I was doing it forever, resulting in feeling like a failure,” dagdag pa niya.
Ipinagdiinan ng hindi na gaanong aktibong aktres, na hindi dapat ituring na kaaway ng mga nagpapapayat at nagpapakundisyo ng kanilang katawan ang pagkain.
Pangarap din niya na maging isang certified nutritionist para makatulong sa lahat ng nagnanais na pumayat at maging malusog sa tamang paraan at sustainable fitness journey.
Baka Bwet Mo: Camille sa mga hindi natutuwa sa kanyang pagpayat: Wala akong nakikitang mali sa katawan ko
“This is how I’m able to go about my fitness journey in a sustainable way. I’m in the hopes of becoming a certified nutritionist one day, and in everything I have learned so far, a good tip to know what meals to lean towards: Eat the rainbow! + CARBS are not the enemy.
“I eat what I want, without being reckless. I lean towards the healthier options but I still give in to my cravings, even if they are ‘junk’,” pagbabahagi pa ng partner ng surfer champion at trainer na si Phil Martin Alipayo.
Sey pa ni Andi, bukod sa tamang diet, kailangang kambalan ito ng regular exercise, “My approach on this whole fitness journey is holistic, in such a way that all aspects of my well-being go hand-in-hand.
“So while we now know that ‘losing the weight’ is mostly about food, it will definitely work way more if your entire lifestyle goes with it.
“Good exercise and a great mindset to go along with it should do the trick,” paalala pa ng aktres sa kanyang social media followers.
Sharon 6 years nang kinakarir ang fitness journey; nabiktima rin ng body shaming
The post Andi Eigenmann nabawasan ng 60 lbs makalipas ang 2 taon balik-alindog program, pangarap ding maging nutritionist appeared first on Bandera.
0 Comments